Chapter XXIX - Leaving

8.4K 87 17
                                    

Minsan naiisip ko, bakit kailangan pa natin makilala ang isang tao, kung bandang huli ay iiwan lang din naman pala tayo? 


Sino ba kasing nag-imbento ng 'goodbye' na 'yan at nang maupakan ko?


Sorry for the delay. Enjoy reading. Vote and Comment.


-Mia







KIM’S POV

“Okay naman kami Chi. Mabuting magkaibigan kami.”

 

Hindi ko ugaling magsinungaling. Kaso hindi pa talaga ako handang umamin kung ano ang meron kami ngayon.  Parang ang weird naman kung bigla kong ipagsasabi na kasal na ako. May tamang tiyempo para masabi ko ‘to sa kanya, o maging sa kanila kabilang sina Papa at Ama.

“Ang tanong, mabuting magkaibigan nga lang ba?”

 

“Ha? Oo naman Chi.”

 

“Haii naku, Kimberly. Alam kong matagal tayong hindi nagkita, but that doesn’t mean na hindi  na kita kilala. You know that you can always tell me anything.”

 

Oo, mula ulo hanggang paa, alam at kilalang-kilala ako ni Achi. Ultimo dumi sa kuko, alam niya. No, just kidding. I’m just putting exaggeration to the story. Pero seriously, kilala niya ako. Alam kong hindi magiging madali ang pagsisinungaling ko sa kanya. ‘Di ko naman ‘to gusto eh. Kailangan lang talaga.

“Ikaw talaga Chi. Siyempre sasabihin ko sa’yo kung ano na ang progress. Pero sa ngayon, friends lang talaga kami. Kami kasi yung laging magkasama sa Manila kaya close kami.”

 

“Oh sige na nga, kunwari naniniwala ako. Kunwari ‘di ko nahahalatang may namumuong something-something sa inyong dalawa. Kunwari rin, hindi ko nakikita sa mga mata mo ang affection sa mga mata mo at kunwari rin, hindi ko nakita kanina na sobrang sweet niyo sa isa’t isa. Pero dahil sabi mo sa akin na walang namamagitan, wala na kung wala.”

 

Etong ate ko talaga. Ang bilis makahalata. Buti na lang, ‘di niya na in-insist. Nakaka-guilty tuloy, naglilihim na ako sa ate ko. Dati naman, kaya kong sabihin ang lahat. Pero bakit ngayon, parang may pumipigil?

Umaga na pala. Nakatulugan ata namin ang sobrang pag-uusap. ‘Tong ate ko talaga, hanggang ngayon, wala pa ring asawa or kahit jowa man lang. Sabi niya kagabi, baka raw ‘di pa dumarating si Mr. Right. Hello, anong petsa na po? Baka magpapakagurang ‘to eh. Pero hindi, biro lang naman. Sabi niya, priority niya raw kami before ang sarili niya. Siya na kasi yung isa sa mga nakagisnan kong ‘nanay’ mula nu’ng umalis si Mama.

Whirlwind Romance (KimXi Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon