"Handa na ako"

198 3 0
                                    

Saan ko ba sisimulan
Ang tulang ito na para sa yong kaligayahan
Oo nga saan? Kung sa pagsulat ko nito ay ako'y nasasaktan
Nasasaktan dahil ito ang oras na ika'y  dapat pakawalan
Hindi naman bato ang puso ko para di maramdamdaman na iba na ang gusto mo
Hindi din naman matigas ang ulo ko para di maisip na unti unti kanang lumalayo
Kaya heto na
Heto na ang hinihintay mo
Kahit labag sa kalooban ko
Sasabihin ko parin ang mga salitang ito
"Handa na ako"
Handa na akong palayain ka
Kasi sobrang sakit na
Handa na akong bitawan ka
Dahil di na ako masaya
At handa na akong kalimutan ka
Dahil alam kong yun din ang ginawa mo matagal na
Kaya mahal
Kahit di tayo nagtagal
Salamat padin sa binigay mong pangaral
Na suriin muna ang isat isa bago sumubok sa salitang "pagmamahal"

Spoken poetry (Tagalog) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon