"Naghihintay"

291 3 0
                                    

Hi natatandaan mo pa ba ako?
Natatandaan mo pa ba yung nagkakilala tayo?
Ay mali
Kasi wala naman palang tayo
Ang meron lang ay ang ikaw at ako
Na kahit kailan ay napakalabo
Nung gabing nag post ka ng "lms"
Ay agad ko itong nilike ng walang mintis
Kinilig ako dahil nag chat ka  Sakin ng mga salitang puro matatamis
Pero
Di ko inaasahan
Na mapapalitan lang naman ito
Ng walang katapusang sakit
Bakit?
Kasi kahit malabo na pilit parin ako nang pilit
Nagmamahal kasi ako
Di ba Pwedeng yun din ang isukli mo?
Kailangan ba talagang Umasa muna ako bago ko mahanap ang nararapat na nakatadhana ko?
Kung ganun bakit pa tayo pinagtagpo kung sa iba naman pala nakadugtong ang buhay mo
Pero kahit na ganun
Eto pa rin ako
Nasa sulok ng kanto
Naghihintay na ikay muling makatagpo
Naghihintay na ang tadhana ay magbago
At
Naghihintay na ikaw ang makasama sa dulo
Pero siguro
Hanggang sa hintay nalang ako
Kasi hinding hindi mangyayari ang lahat ng ninanais ko
Kaya ok
Nandito lng naman lagi ako
Naghihintay lang sayo

Spoken poetry (Tagalog) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon