D o s

2 0 0
                                    



  Rosebooks Café  



Hinayaan ni Drexna na kaladkarin siya ng kanyang kaibigan tungo sa kung saan 'kuno' nag umpisa ang lahat.


Hindi mawala ang kaba na kanyang nararamdaman sa bawat hakbang na kanilang tinatahak: hindi mawari kung ito ba ay takot o siya'y nasasabik sa maaaring mangyare. Naguguluhan siya sa kung anong tinutukoy ng binata sa kanya.


Madaming tanong ang bumabagabag sa kanya; at isa na rito ay kung bakit siya kinakaladkad nito tungo sa kung saan?


Ngunit bago pa siya makatanong muli ay nakita na niya ang kasagutan.


Isang gusali ang naroon katabi lamang ng magkakatabing hilera ng mga pagkain o mas kilalang mga fast food. Mayroon doon ang isang malaking bubuyog na nakatayo; tabi nito ay isang payaso na nakaupo sa isang pahabang upuan; sa gilid naman nito isang mukha ng matandang lalaki sa isang tuong; at madami pang iba.


Sa halip na pumunta roon ay sa gusali na ilang dapit ang layo sila pumunta. Tatlong palapag lang ito at masasabi mong malawak ang loob dahil sa espasyong sakop nito.


Pumasok sila sa loob at sa unang palapag ay bumungad sa kanila ang samu't saring mababangong bulaklak. Makukulay ito at halata mong alagang-alaga. Mayroong mga nasa paso, ang iba nama'y nasa papel o nasa plastik. May tig-iisang rosas, at mayroon din namang pinagsasamang iba't ibang uri ng rosas at bulaklak.


"Magandang umaga! Welcome to Rosebooks Café!" Masiglang bati ng mas matanda sa kanila ng ilang taon na babae sa kanila. "Buti at nakabalik kayo rito ulit, sir."


Nagulat si Drexna sa sinabi ng babaeng nasa harapan nila at napatingin sa kanyang katabi na ngayon ay tumango lamang.


Ang sungit talaga.


Wika sa isip ng dalaga. Ngunit isinintabi niya ang kanyang naiisip at sa halip ay nagtanong sa kanyang katabi.


"Nakapunta ka na rito?" Pagtatanong nito.


Hindi alam kung maiinis ba siya o ano sapagkat nakapunta na rito ang kanyang kaibigan at isa lang ang ibig sabihin nun: bumili siya ng bulaklak. Ngunit para kanino?


Iyon sana ang gustong itanong ni Drexna sa kanyang katabi subalit alam niyang wala siya sa posisyon upang alamin ito.


Baka naman para ito sa kanyang Mama? O kaya naman sa ibang babae? O . . . Para sa kapatid nito?

e aTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon