U n o

9 0 0
                                    



Overture





April 4, 2019
5:00am





"Amandzy! Gumising ka na dyan at ala-sinco na ng umaga! Aalis na tayo," bulyaw ng isang hindi gaanong katandaang babae sa labas ng isang silid na kung saan may mahimbing na natutulog na babae sa loob.


Habang humihikab-hikab pa ang babaeng kakagising lamang dahil sa sigaw ng kanyang ina, may nakapa siyang bagay na sa hindi malamang dahilan ay hindi niya pa nakikita.


Isang sing-sing?


Kahit tatamad tamad ay dinilat niya ang kanyang mga kaakit-akit na mata at saka ito tinitigan. Sa ilang minutong pantititig, naisip niya na lamang na marahil ay sa kanyang ina itong sing-sing kaya inilagay niya muna ito sa tabi ng kanyang higaan sapagkat dito ay may lamesang nakalatag.


Inaantok pa man ay papikit-pikit siyang pumunta sa kanyang banyo para linisan ang kanyang katawan at makapagbihis na para sa kanilang isang linggong pagbabakasyon.


Nang matapos isuot ang simpleng v-neck na puti na pinares sa isang maong na short shorts kasama ang sumbrerong itim na may tatlong slant na guhit sa gitna at isang purong itim na sapatos na may nakalagay vans sa likuran nito, binagayan ito ng ray ban na itim at ang kanyang hindi malilimutang dalhin dahil pakiramdam niya ay wala siya pag wala ito: ang kanyang relong itim at camera.


Isinuklib niya ang backpack niyang kulay maong at dire-deretsyong lumabas sa kanyang kuwarto. Buti na lamang ay kagabi pa niya hinanda ang kanyang gagamitin sa isang linggong paglalakbay kasama ang kanyang pamilya - isama na rin ang kaibigan ng kanilang pamilya.


Sa kabilang banda, inip na inip ang isang lalakeng nakatayo sa harap ng isang bahay. Tila ba hindi siya sanay na pinaghihintay. Kasama ang buong angkan na umarkila ng mini shuttle bus ay binilinan siyang antayin ang kanyang kaibigan upang tulungan ito sa kanyang mga bibitbitin.


Lumipas ang sampung minutong pag-aantay sa isang dilag, lumabas na ang babaeng prenteng naglalakad habang may kung anong kinukulikot sa kanyang camera. Napangiwi ang binatang nag-aantay sa kanya at tila ba'y lalong nayamot dahil wala man lang itong kahit anong dala kundi ang isang backpack.


Sa isip ng lalake, bakit pa ito naghintay kung wala naman itong bitbit na mabigat? Nang magtama ang kanilang mata ay agad na umiwas ito at sumakay sa bus.

e aTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon