Please listen to "Pangarap lang Kita" by parokya ni Edgar.... Before reading..... OST
MHLS Chapter One "The Freshmen"
Episode One
Scene 1
"Ang bagal bagal nyo naman maglakad e, pag tayo nahuli , isa-isa kong pasasabugin mga monitor ng computer nyo." Ani ng isang babae na galit na galit sa mga kasamang lalaki.
"Sorry Laptop kaya ako." sagot ng lalake na isa sa kasama ng babae.
"Relax ka lang.. Gragraduate tayo. Para ka naming hindi sana'y. Filipino Time yan. Tignan mo pag dating natin mga nag-aayos at naghihintayan parin yang mga yan." Sabat ng isa pang estudyante.
"Nakakalungkot. Gragraduate na tayo... Di ba kayo nalulungkot?" Tanong ng dalagitang sigang babae.
"Hindi..." sabay sabay na sagot ng mga lalaking kaibigan.
"Nauumay na kasi kami sayo.." asar ng isa pang kaibigan.
"Nauumay? Wagas huh.. Ahh ganun... E kung sapatusin ko kaya kayo isa-isa..."
Nagtawanan ang mga lalaking kaklase at tumakbo. Hinabol sila ng kaibigan babae....
Sa di kalayuan nila ay may isang lalaking nakasakay sa kotse.
"Parang kelan lang..." may naalala at biglang napangiting winika ng isang lalaki na halos isang dekada ang tanda sa mga estudyanteng pinagmamasdan habang pababa ng sasakyan.
Pagkababa ng lalaki sa kanyang sasakyan ay napabuntong hininga ito at pinagmasdan ang buong paligid. Wari'y may inaalala at ninanamnam sa paligid. Matangkad ito, maputi, matipuno at mukhang mabango dahil maayos ito sa sarili pati kung paano manamit. Masasabing may pinag-aralan ang lalaking ito dahil sa tindig nito at mga kilos.
Sa kinatatayuan nya, tinignan nya ang buong paligid, ang amoy ng paligid na hindi parin nagbabago, ang sariwang hangin at unique na amoy ng bayan nila at ang mga dahong nahuhulog sa mga bawat puno na akala moy umuulan ng mga dahon dahil sa dami ng puno sa paligid. At simula doon ay biglang unti-unting naalala ang kanyang nakaraan sa mismong eskwelahang ring ito.
Scene 2
Voice over: (Nagsimulang magkwento ang lalaki)
Sinasabi na ang High School daw ang pinakamasayang yugto ng buhay ng isang tao. Isang experience daw na dapat i-enjoy ng husto. Dahil minsan lang ito darating sa buhay ng bawat tao, dahil sabi nila pagtanda mo daw, madami kang regrets na sana ganito at sana ganun ang aking ginawa at nagawa. Regrets? Tama, masasabi kong isa na ko dun. Ito yung mga panahong kung san wala ka pang pinuproblema, wala pang pressure, hingi baon ka lang at nasa edad kana kung saan pwede maging pasaway kasi bata pa e at tanggap nila dahil nasa curiosity age pa. Ang Highschool na halos lahat e ang favorite subject at hinihintay ay ang recess, kung san wala ng magulang o service na magsusundo, kaya halos kanya-kanyang ng lakwatsya ang lahat after classes, taon na meron kanang lakas nang loob mag cutting, at syempre yung ligawan dito at ligawan dun. Kung maibabalik ko nga lang ang panahon... Dito ko rin nakilala at naramdaman halos lahat ng unang LOVE, name it, Puppy Love, First Love, Baby Love, Brotherly Love, Skinny Love, Love-Lovevan at dito ko rin actually nahanap at narealize ang True Love ko... Wala naman halos pinagkaiba o espiyal sa storya ko. Ang alam ko, somehow, ang lahat ng experience ko ay nadaan nyo rin o makakarelate kayo.
(Ipapakita ang kabuuan ng eskwelahan then Text Title of the story appear and music)
Scene 3
Voice over:
Tandang tanda ko pa, unang taon naming magkakaibigan sa HighSchool...
"Ano ba! Mga pagong ba kayo at kay bagal bagal nyong maglakad? Pag ako nahuli, wala kayong meryenda mamaya samin!!!" ani ng batang babae na galit nagalit sa mga kasamang lalaking kaibigan.
BINABASA MO ANG
My High School Love Story (Romantic Comedy) (On-Hold)
Teen FictionHighSchool? Maganda man o hindi ang experience ng bawat isa, ito parin ang yugto ng buhay na masarap balik balikan. Ang kwentong susubaybayan at dadaanan mula Freshmen,Sophomore,Junior hanggang maging Senior ang mga bida natin na limang magkakaibiga...