Chapter Three "In or Out"

92 1 0
                                    

Chapter 3 "In or Out"

Episode Five

Scene 17

"Buti na lang gragraduate na yang sila Boy Patilya. Napakabwakaw sa court, sila na lang halos gumagamit nyang court e simula ng nandito na sila sa school na ito." Nakikipagkwentuhang ani ng isang estudyante habang naglalakad kasama ng mga kaklase nito.

"Sinabi mo pa,napaka yabang ng grupo nila. Kala mo kung sino, mga namimili pa ng kaibigan. Kala mo naman sila may ari ng school." Sagot ng isa pang estudyante.

Narinig at nakitani Inigo ang mga estudyante dumaan sakanyang harapan.

"Magandang hapon."Bati ni Inigo.

"Ay sir. Magandang hapon rin po." Ani ng mga estudyante.

"Isa ba kayo sa mga gragraduate ngayon?" tanong ni Inigo sakanila.

"Ay hindi po Sir. 2nd year palang po kami. Mayspecial number lang po kami at katulong sa mag aayos daw po sa mga programs ng gragraduate ngayon." Paliwanag ng isa.

"Ahh, mabait na mga bata pala kayo" sabay ngiti nito sa mga binatilyo.

Nagtinginan at natawa ang mga estudyante dahil alam nilang mga pasaway sila.

"Sige po Sir."Paalam ng mga batang lalaking estudyante.

Nang makalampas na ay rinig parin ang usapan nila.

"At list wala nasila, wala ng sindikatong mga duwag naman." Ani ng mga ito.

Habang papalayo ang mga estudyante ay nakatitig lamang si Inigo at nakangiting naalala ang nakaraan muli...

Scene 18

"Tara na, gising na ba kayo? Baka mahuli tayo!" sigaw ni Inigo sa labas ng bahay ng mga kaibigannya.

Magkakapit bahay na halos magkakatapat lang ang mga bahay nila Kulas, Dagul at Inigo. At sakabilang kanto naman ay ang bahay ni Jerimia at sa pangatlong kanto ay kila Onyok.

"Akala ko ba hindi ka papasok Daomingzugat, diba sabi mo matutulog lang tayo?" ani ni Dagulna mukhang kagigising lang at may muta muta pa at panis na laway.

"Oo nga, ang yabang yabang mo kahapon sabi mo hindi kana muna papasok." Ani ni Kulas perobihis na bihis na ito at nakaayos ang mga buhok ng husto.

"Kahapon yun pero hindi ngayon." Tanggol ni Inigo sa sarili.

"Naku, sabon ka mamaya kay Jeri nito Daomingzugat. Lagot ka kay petchay chansay." asar niDagul.

"Ayiee,halatadong nagseselos si petchay kahapon." Sabi ni Kulas.

"Bakit naman magseselos yun? E diba tomboy yun, bakanga kaya ako sinisiko kahapon kasi trip rin nya si Sofia ko."

"Sofia ko? Agadagad? Manhid kaba pare? Grade 4 palang tayo obvious naman may gusto sayo si Jerimia A.K.A PETCHAY." Paliwanag ni KUlas

"Kayo talaga, pagwala na kayo masabi, kami nitutukso nyo lagi." Ani ni Inigo.

"Basta ako hindi ako denial pare... Tara lets bagets, hintayin mo ko prinsesa my loves LEE...".

"Sumunod kakaagad Dagul! Dadadaanan namin sila Jeri at Onyok, dun ka naming hihintayin. Atplease Wag munang dalhin ref nyo okie." Ika ni Inigo.

Scene 19

Sa eskwelahan............sa loob ng classroom nila.....

"Mamaya daratingang Lola ko galing estates." Yabang at parinig ni Jeri.

My High School Love Story (Romantic Comedy) (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon