Chapter Four “Hunted House”
Scene 15
Mula sa 3rd floor ay dumungaw si Inigo sa terrace nito para pagmasdan simula sa taas ang buong paaralan. Halos wala naman pinagbago ang buong eskwelahan. Habang inaamoy ang sariwang hangin ay bigla itong napabaling sa ibaba dahil may narinig syang hiyawan ng mga babaeng kinikilig. Mukhang dumating na kasi ang mga fafables ng Seniors na mga Graduating na… Kala mo e F4 peg ng mga ito. Feel na feel talaga ng mga lalaki. Napangiti si Inigo…
Scene 16
Sa isang banda ay biglang…
(Tutugtog ang “Prima-J ROCKSTAR”)
Sabay sabay na pumasok at naglakad ang tatlong sila Inigo, Dagul at Kulas, na mga nakashades at may mga chewing gums pa. Ayos na ayos ang mga buhok na naka Gel kung Gel. At sa sobrang ayos e halos nagmukhang parang Elvis Presley ang dating ng mga buhok nila o sinaunang tao.. Feel na feel ng tatlo na cool na sila at sikat sa eskwelahan dahil tropa na nila ang mga sikat rin sa school.
Pinagtitinginan nga sila, ang iba ay nagbubulungan na hindi nila alam kung ano, ang iba ay natatawa, ang iba naman ay bilib sakanila.
Maya mayang unti, ay biglang nagtilian ang ibang mga babaeng estudyante.
Ngumiti ang tatlo dahil effective ang porma nila....
Ngunit...
Dumaan pala sa kabila ang grupo ng mga crush ng campus.
Nabasag ang moment ng tatlo.
“Nakaka-badtrip na! ” Hinubad ni Inigo ang suot na shades at itinapon na ang chewing gum sa bibig.
“Bakit ganun? Cool na tayo diba? Kulang ba yung gel na nilagay natin sa buhok natin?” ani ni Dagul.
“Hoy Dagul. Meron bang cool na may Lunchbox na dala. Buti sana pang highschool yung datingan nyan kaso, B1 at B2 ang Peg?” okray ni Onyok sabay ayos ng kanyang salamin.
“Bakit anong masama? Eh di kasya dun e ,pano saksakan ng liit. Nagbake si Mommy, Cupcakes. Oh ito..” Pagkasabi nito ay umupo itong malungkot at binigyan ang mga kaibigan.
"Halos 4-5 linggo na tayong ganito." ani ni Inigo.
"Bumibinggo na sila!!!! Di na sila nakakatuwa.... Pag ako nagalit!!!" nanggagalaiti at angas na sinabi ni Dagul.
"Ano? Ano kapag ikaw ay nagalit aber?" banat bigla ni Onyok.
Tumingin lahat kay Dagul at hinihintay ang iduduktong sa sinabi...
"Pag ako nagalit.... Ammmm.. Wala...., di ko naman sila kaya... Isa nga lang sakanila hindi ko na mapapatumba, sila pa kayang lahat?" sabay ngata ulit ng cupcake.
BINABASA MO ANG
My High School Love Story (Romantic Comedy) (On-Hold)
Novela JuvenilHighSchool? Maganda man o hindi ang experience ng bawat isa, ito parin ang yugto ng buhay na masarap balik balikan. Ang kwentong susubaybayan at dadaanan mula Freshmen,Sophomore,Junior hanggang maging Senior ang mga bida natin na limang magkakaibiga...