Chapter Five "Field Trip"

75 1 1
                                    

Scene 35

Makalipas ang ilan pang buwan...

(So what by Pink)

Dumating ang Grupo ni Choi at syempre kasama na sila Inigo, Onyok, Dagul at Kulas...

Slowmo effects at may hangin effects...

Pinagtitinginan sila halos ng buong campos at ng lahat ng madaanan nila.

At ang aangas ng dating ng mga ito.

Pati sila Inigo ay feel na feel din ang paglalakad at pagka cool nila at ayos na ayos na naman ang mga buhok.

Halos lahat ng madaanan nilang babaeng estudyante ay nagpapacute sa grupong ito.

Simula ng Last test nila sa puting bahay ay welcome na sila sa grupo.

"So bagets, aakyat na kami sa 4th floor. Kita kits sa recess mga tropapits" ani ni Choi.

"Yes Master." sagot nila Kulas.

Nang makalayo na ang mga Seniors ay lumapit si Jeri kila Inigo.

"Dapat ba talaga may ganung entrance? Di ba kayo nauumay, Halos tatlong buwan nyo ng ginagawa yan. Di ba kayo nauuma?" Okray ni Jeri.

"Bakit naman kami magsasawa? e ang sarap sarap ng feeling na tinitilian ka." singit ni Kulas.

"Sigurado ba kayo na kayo ang tinitilaan huh? Tignan nyo nga yung itsura nyo? Oo Tropa na kayong maituturing nila pero, ang layo parin ng dating nyo sa mga dun." ani ni Jeri.

"Aray naman, para mo naring sinabing pangit kami. Cool na kaya kami" sabi ni Dagul.

"Cool ? Ang tunay na cool hindi palakol ang test papers!" sabay pakita ng mga test papers nila

"Patay, hala halos lahat bagsak ako." ani ni Inigo.

"Ako rin... Lagot ako kay Mommy nito." ani ni Dagul.

"Nako, ako rin." habol ni KUlas.

"Hmmm.. Omg!!! 85 over 100 ako . NO!!!!!" singit ni Onyok.

"EEEhh? Kami nga halos 14 over 100. Pero di kami O.A mo." Asar ni Dagul.

"ANo ba kayo guys. Di ba halos 3-4 lang lagi mali nyan ni ONyok. Kaya ang ganyang score e senyales ng pagpapabaya nya na." Tanggol ni Jeri kay Onyok.

"Babagsak ba tayo?" Tanong ni Inigo.

"Hindi. Nung first grading maayos naman kayo. 2nd grading pasang awa pero ngayong 3rd grading bokya talaga kayo. May last pang natitira ang FInals, kaya wag kayong mag-alala." paliwanag ni Jeri.

"Mahirap pala dito sa HighSchool" ani ni Dagul.

"Mali! DI naman kayo Bobo e. Simula lang ng sumali kayo hanggang sa naging barkada nyo ang mga yan, halos wala na kayo inatupag kundi sumama at maging buntot ng mga Seniors na yan." ani ni Jeri.

"Nagseselos yata si Jeri kasi iba na ang kasama natin lagi. E di ba lagi mo rin naman kasama sila ate Lee, saka yung mga taga Theater mo at itong mga Mean Girls na mukhang mga clown nating kaklase." sabat ni Kulas.

"Oo nga sis, 70% parin ng time namin is with u or us." dagdag ni Onyok.

"I know at di ako nagseselos. Pero napapabayaan nyo na talaga ang grades nyo dahil sa BARKADA at Laboy nyo." paliwanag ni Jeri ulit,

Biglang dumating ang Teacher..

"Class, nakuha nyo naba ang mga test paper nyo?" tanoing ng guro.

"Yes Mam: sagot ng lahat.

"Im so dissappointed dahil halos half of you e sobrang baba ng grades. Section B pa naman kayo ang im expecting like 10% lang ang sasablay.Well sa section A pataasan ng grades dun and ang Section C naman e, 4 lang ang matino the rest goodluck. Pero kayo?.. Tsk tsk talaga."

My High School Love Story (Romantic Comedy) (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon