MhLS Chapter Two "Puppy Love"
Episode Three
Scene 12
"Sir Pogi..." kalabit ng matabang batang babae kanina.
Biglang bumungad sakanya ang kaninang kausap na estudyante. Mukhang nag-ayos ito at nagtali na ng buhok pareho sa kaliwa at kanan. Kapansin-pansin din na biglang kumapal ang make-up nito lalo na ang blush on na makapal sa pingi at lipstick.
"Ay pusang.., este, yes?" biglang tugon at gulat nito mula sa pagkakabasag ng diwa nya sa pag alala ng nakaraan. Bahagya rin syang nagulat dahil sa transformation bigla ng estudyante.
"Pusang ano po Sir? Ang pogi nyo po pala lalo pag biglang kinakalabit kayo." Pacute na sinabi ng estudyante habang nag wini-winks ang mga mata at sadyang pinapakita ang mga ngipin na may bracers..
Napangisi ang nakatatandang lalake. Sa loob loob nito ay biglang naalala ang pusa na lucky charm ng chinese na kumakaway-kaway.
"Gusto ko lang po sanang..." nahihiyang sinabi muli ng estudyante na halos hindi nya masabi ng deretcho.
Ngumiti ito at tumaas ng sabay ang mga kilay. Lalong dumilat ang mga mata nito na dahilan ng bahagyang pagkakunot ng noo. At nagsimulang hintayin ang sasabihin ng estudyante..
Ngunit namula ang estudyante lalo..
Napangisi ulit si Inigo at naramdaman na may crush sakanya ang estudyante. Nakita nito ang hawak na cellphone ng estudyante.
"Pwede po ba magpapicture na kasama kayo?" tanong nito sabay lingon sa mga kaklase na nagtatago na mukhang nagchecheer sakanya.
"Ikaw talagang bata ka. Oo naman, yan lang pala."
"Talaga po?." Di makapaniwalang sagot ng batang babae at binuksan ang camera ng cellphone, inilagay sa monopod at nagsimulang makipag groupie sa crush na lalaki.
"Maraming salamat po, babalik napo ako sa room namin.." Sabay kaway sa mga nagtatagong kaklase na tila nagtagumpay ito sa pakay.
Ngiti at tungo ang sinagot ni Inigo dito. Habang tinitignan ang estudyangteng pabalik sa mga kaklase ay nakatingin parin sakanya ito at nagpapacute. Naalala nya na medyo kahawig nito yung mga masscot na humahabol sakanila noon. Muli nyang sinariwa ang nakaraan. At naalala rin ang una nyang First Love o Crush...
Scene 13
"Rawr!!!" gulat sakanila ng isang nakamaskara naka ponytail at mukhang pusa na may makapal na pula sa mga pisngi. Tila tinatakot ang mga nakababatang mga kamag-aral at ginu-good time.
"Huaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!" sigaw at sabay takbo ng magkakaibigan.
Halos mahubaran si Dagul na halos nakita na ang pwet nito sa pagtakbo.
Scene 14
Nang nakitang malayo-layo na sila ay tumigil mga ito at nagpahinga habang hingal na hingal parin.
"Sabi ko naman kasi sainyo, wag muna tayo pumasok ngayon." Sabi ni Inigo.
"Ito kasi si Onyok. Katulad kahapon, iilan lang tayong pumasok rin." Ani ni Jeri.
"Hala, hindi naman ako e. Sinabi ko bang sumama kayo agad sakin nung sinundo ko kayo? E mga nakabihis narin naman kayo e. Kunyari pa kayo." Tanggol ni Onyok sa sarili.
"Katulad kahapon, tayo lang ang excited, pinagtawanan pa yata tayo ni Teacher. At napaka masugid nating estudyante." Ani ni Kulas.
"Ganito ba talaga sa high-school? Dati pag wala tayo sa room papaluin tayo ng ruler ni Teacher." sabat ni dagul habang inaayos ang lasag-lasag na kinakaing Footlong.
BINABASA MO ANG
My High School Love Story (Romantic Comedy) (On-Hold)
Teen FictionHighSchool? Maganda man o hindi ang experience ng bawat isa, ito parin ang yugto ng buhay na masarap balik balikan. Ang kwentong susubaybayan at dadaanan mula Freshmen,Sophomore,Junior hanggang maging Senior ang mga bida natin na limang magkakaibiga...