Kabanata 1

1.6K 36 0
                                    

"Okay, can you explain it, Miss Castillo?"

Naalimpungatan ako ng biglang hampasin ni Miss Galvan ang ibabaw ng armchair ko. Sumalubong naman ang nanliliksik nitong mata na animo'y nakagawa ako ng kasalanang labag sa batas.

"Can you repeat it, Miss?" sabi ko habang inuosog ang mata na para bang babagsak. I'm so sleepy. Late na ako nakatulog kagabi dahil sa midnight party na ginawa ng mga kaibigan ko. And now, nagpapakaantok ako ngayon sa boring na klaseng 'to.

"Hindi mo pagsagot ng mga questions sa examination niyo, pinalampas ko lang, Miss Castillo. Sa hindi pakikinig tuwing magle-lecture ako during our science class, it's okay for me dahil akala ko, bumabawi ka sa bahay niyo. And now, sleeping inside my class is too much." ani Miss habang hinihilot-hilot ang sintunado nito. Naihagis niya rin ang hawak niyang book. What? I did nothing. "Get out of my class, now." madiinan nitong sabi.

Dahan-dahan ko nalang din kinuha ang bag ko at nakayukong lumabas ng room. Tamang-tama naman pagkalapat ko ng pintuan ay agad akong tumakbo pababa ng hagdan habang patalon-talon. Yes, sa wakas nakatakas ako.

Kinuha ko ang cellphone na nakalagay sa bulsa ng palda ko. 9:30 palang sa umaga.  Ano nga ba ang magandang gawin? Ofcourse, matulog sa bahay. Kailangan kong bumawi ngayon. Dahil mamayang gabi ay magba-bar ulit kami ng barkada. Tinawagan ko na si Manong Edwin para sunduin ako dito sa School. Ilang minuto lang naman ang hinintay ko at nakarating narin siya.

''Ma'am Cha, naroon na po sa bahay ang Mommy't Daddy niyo." nakayukong sabi ni Manong. Nag-nod lang ako at pumasok na ng kotse. Ngayon ko lang din naalala na uuwi na pala sina Mommy. 'Yon siguro ang dahilan kung bakit siya napatawag kagabi. Well, hindi ko kasi nasagot kaya wala akong alam.

Habang nasa biyahe ay nakatingin lang ako sa bintana habang pinagmamasdan ang paligid. Hindi ko namalayang na sa bahay na pala kami.

"Miss Cha, nandito na tayo." napabalik ako sa reyalidad ng tinawag ni Manong ang pangalan ko. Agad na akong bumaba at sumalubong kaagad ang mga katulong na kumakaripas sa kani-kanilang mga gawain.

"Anak," tawag ng babaeng pababa sa hagdan.

"Hi?" pagbati ko.

"Ganyan mo ba kami salubungin ng Mommy mo?" sabi naman ng lalaking kasunod nito. Pasikreto kong inikot ang dalawa kong mata. Having a conversation with them is so boring.

"Ow, welcome home." nakangiti kong sambit atsaka na sila nilampasan. I'm tired. Gusto ko munang magpahinga. Kamalas-malas nga lang at ngayon pa sila umuwi. But infairness, akala ko forever na sila doon sa business trip. Naisipan pa pala nila 'tong bahay.

Binuksan ko na ang pintuan sa kwarto at padabog itong sinara. Naglikha naman itong ng malakas na kalabog. Well, I don't care. Kumuha na ako ng towel and decided to wash my body. After that ay tumalon na ako sa kama. Nag message muna ako sa groupchat na magkita-kita nalang kami mamaya. With that, isinara ko na ang mga mata ko and let the tiredness cover me.

NAGSASAGABONG sound effect ang sumalubong sa akin. Marami naring nagsasayawan sa gitna ng dance floor. Hinanap ko kaagad ang table nila Kath para saluhan sila sa pag-inom.

"Hey Charity," tawag ng babaeng nakasuot ng black fitted dress.

"Hi Kath," bati ko at nagbeso-beso sakanya. Umupo na ako doon sa table na pina-prepare niya. Nandoon narin sina Venus at Leizel na may pinagigitnaang lalaki. "Infairness, palaki ng palaki narin 'tong bar mo, ha." I said while roaming my eyes. Yes, with the age of Eighteen, may business narin ang babaeng 'to. Namana lang siguro sa parents niya. But sad, hindi ko namana ang pagiging workaholic ng mga magulang ko. Gosh, I don't want to be like them.

Lucid DreamingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon