Taas noo akong bumaba ng kotse. I checked my watch, it's already 8:33 in the morning. 7o'clock ang start ng klase namin. Oh yeah, late na naman ako. Nothing's new, anyways.
Dumiretso ako sa second floor wherin nakapwesto ang Science Room namin. Ang pinaka 'Boring' na klase for me. Why? Ikaw kaya mag-aral about sa Human System, Galaxy, Universe, World, and what so ever. Nakakabagok, super.
"Good morning," bati ko pagkabukas ng pinto. Lahat na mata kaagad ng mga kaklase ko ang sumalubong sa akin, even Miss Galvan.
"On time for your second period, Miss Charity Castillo." seryosong sambit ni Miss. Ngumiti lang ako at dumiretso na sa upuan ko na nakapwesto sa tabi ng bintana. Nag-umpisa na ang klase. Nakatitig lang ako sa labas ng bintana habang iniisip ang magandang gawin later. Sa sobrang pag-iisip, muntikan ko ng makalimutang na nasa klase pa pala ako.
"Dream, I know lahat kayo ay nakaranas na nito." naglikha ng iba't ibang kumosyon ang sinabi ni Miss.
"There are different types of dream. At 'yan ang pag-aaralan natin ngayon."
Tahimik lang akong nakikinig. Speaking of dream, may napaginipan pala ako last night and it's so really weird. Nagkaroon raw ng taning ang buhay ko at kailangan kong magpakabait using my extended date here in land para lang makaakyat sa langit. Funny slash nakakakilabot. Did you know that feeling? Goosebumps.
"Anyways, someone can give their own definition about dreams?"
Tanong ni Miss. Nagtaas naman ng kamay si Ada, the nerdiest student here in School. And yes, kaklase namin siya.
"Miss, dream is a series of thoughts, images, and sensations occurring in a person's mind during sleep. Wherein you can see different scenarios and happens." sagot nito.
Inayos-ayos pa niya ang suot-suot na eyeglass. Napatango naman si Miss Galvan at naglakad na naman papunta sa pwesto ko.
"Did you know that there are 8 types of dream? I know you don't." nagulat ako ng hampasin niya ang ibabaw ng armchair ko. Nakapamewang pa ito habang binabasa ang nakasulat sa libro. Napansin kong nagsikuhaan ng mga notebooks ang mga kaklase ko kaya nakikuha nalang din ako. "Daydream, Nightmares, Recurring, Healing, Prophetic, Signal, Epic and Lucid Dreaming. Take note, all of this. Lalabas lahat ng 'yan sa exam niyo."
Nilista ko nalang iyon kahit labag sa loob ko. Tamad akong magsulat ngayon. Nakakabagot ang araw na 'to. Isa pa, ano naman ang connection ng panaginip sa future namin? Makakatulong ba ito sa buhay? That's another reason why I hate Science.
"Daydream. A series of pleasant thoughts that distract one's attention from the present. May nakaranas na ba sa inyo nito?" tanong ni Miss na nagpaingay sa mga kaklase ko. They're sharing some of their experiences. Dahil sa kawalan ko ng ganang makinig, binuklat ko ang librong nakapatong sa desk ng katabi ko at pinatayo ito sa ibabaw ng armchair ko. I secretly leaned my head at natulog.
"MISS CASTILLO, EXPLAIN LUCID DREAM!" biglaan kong naimulat ang mga mata ko. Really, nakatulog nga ako?
"I don't know, Miss." diretsa kong sagot. Hindi ko naman kasi talaga alam 'yan eh. Nanaginip nga ako but I'm not interested na alamin pa kung ano ang mga types non. Ang corny lang pakinggan.
Naramdaman ko nalang ang panggigigil ni Miss sa akin. Naikuyom niya kasi ang mga palad niya at naipikit nalang ang mga mata.
Another one fact about me, naiinis ako sa mga taong alam naman ang sagot, itatanong pa. Tapos sila pa yung may ganang magalit kapag hindi nasagutan ng tama. Aish. That kind of person talaga.
"Castillo, remain standing. Someone can answer it?"
Nagsitaasan naman ng mga kamay ang mga kaklase ko. Edi sila na may alam, sorry naman, bobonels aketch.
"A Lucid Dream is a dream during which the dreamer is aware that they are dreaming. During lucid dreaming, the dreamer may be able to exert some degree of control over the dream characters, narrative, and environment." sagot ng kaklase kong matangkad. I forgot his name, already. Pumalakpak naman si Miss sa sagot niya.
"Another one?"
Tumayo naman ang isa ko pang kaklase.
"Lucid dreaming is the ability to consciously observe or control your dreams. Lucidity occurs during altered states of consciousness when you realize you are dreaming and your brain switches into waking mode inside the dream. In normal dreams, your self awareness is shut down."
I role my eyes dahil sa inis. Ano ba kasi ang pakialam ko sa mga 'to. Nangangalay na rin yung mga paa ko sa kakatayo at pakikinig ng mga sagutan nila diyan.
"Miss Castillo, I will ask you again, what is Lucid Dreaming?"
Nakakainis na 'to sobra. Kakasagot lang nila kanina tapos itatanong ulit sakin? Wala na, nakalimutan ko na lahat.
"I don't know, Miss." I answered honestly. Padabog naman itong lumapit sa akin at marahas akong pinalabas ng Room. I'm going to report her. Harassing her student? That's bad.
Palagi nalang maaga yung labas ko sa klase. Nauubusan na tuloy ako ng gawain. Feels bad to myself. And anyways, my weird feeling rin kasi akong nararamdaman ngayon eh. As in, weird. Para kasing may pumipigil sa aking lumabas ng gate. Pero para namang may tumutulak. Nababaliw na ba ako?
Iniling-iling ko ang ulo ko at tumakbo na papuntang parking lot. Doon ko nalang tinawagan at hinintay si Manong Edwin. Mabuti nalang at inutusan siya nila Mommy na bumili doon sa Mall. Kaya madali nalang din siyang nakarating dito.
Habang nasa biyahe, biglaan nalang nanayuan ang mga balahibo ko sa katawan. I feel something strange, right now.
"Kuya, may nararamdaman ka bang kakaiba?" I asked.
"Wala naman po, bakit Ma'am?" balik tanong nito. Umiling lang ako at inayos ang pagkakaupo ko. Kinuha ko ang cellphone sa bag and dialled Leizel's number. Mabuti naman at sinagot niya kaagad ito.
"Hello Cha, napatawag ka?''
Halata sa boses nito na kakagising lang. Hindi na naman pumasok ang bruha.
"I want to share this lang kasi eh, last last night, napanaginipan ko na nabungi raw yung ngipin ko. Then kagabi, I dreamed na may taning naman raw ang buhay ko. That's so weird diba?"
"Cha, ang alam ko lang diyan is yung about sa nabubungi ang ngipin. Narinig ko noon sa kaklase kong dream interpreter. Kapag napaginipan mo raw ito, may taong mamamatay. It's either you or ang taong malalapit sa iyo. Oh, so creepy naman."
Agad kong pinatay ang phone ko. Bigla kasing kumalabog ng malakas ang dibdib ko.
''MA'AM CHA, HINDI KO MA CONTROL ANG BREAK.''
Napabalikwas ako sa pagkakaupo dahil sa sinabi ni Kuya. I check at baka nagjo-joke lang ito. Pero mukhang totoo nga ang sinasabi niya dahil pinagpupukpok na niya doon ang button ng busina. Nakikita ko ang sitwasyon namin. Nag-umpisa ng mangilid ang mga luha ko dahil sa mga nangyayari. Nabubundol na namin ngayon ang mga basurahan sa tabi-tabi. May ibang sasakyan naring nadadamay. Pero ang tanging nagpatigas at nagpatigil sa akin ay yung truck mula sa left side ng daan. Mabilis ang pagtakbo nito at mukhang hindi pansin ang pagewang-gewang naming kotse.
"Kuya, please make a way."
Iyak lang ako ng iyak doon habang pinapakiramdaman ang katawan kong nanginginig. Pero kahit anong gawin ni Manong, wala paring pag-asa. Tinitingnan ko lang ang truck habang unti-unting sinasakop ang sasakyan kung saan kami naroroon.
Maybe it's the end.
BINABASA MO ANG
Lucid Dreaming
Science FictionPaano kung makulong ka sa isang panaginip. Panaginip na kaya mong kontrolin pero hindi mo kayang takasan. Ano ang magagawa mo sa ganitong sitwasyon?