[ ASHLEY'S POV ]
Eto na, date na po namin. 7:30 PM na sa relo ko. Simple lang ang suot ko -- Black dress (hindi lagpas tuhod), wedge na black tas may linings na red, tapos parang handbag na maliit? Color red, kulot ang dulo ng buhok & light make up lang.
Kaya pala nakikita ko sa iba na kapag may date yung mag boyfriend at girlfriend ay todo ayos ang babae, hindi dahil sa gusto nilang magmukang maarte but because they want to become presentable.
Kanino mo pa ba i f-flex ang sarili mo? Syempre sa taong mahal mo.
Madalas kong nakikita ang ganitong sitwasyon kapag Valentines Day. Ito daw ay araw ng mga puso, araw kung saan nagdiriwang ang mga mag jowa. Araw daw yan para sa pagmamahal. Eh bakit tuwing Feb 14 lang ba pwedeng iparamdam yung pagmamahal? Pwede naman araw araw.
Halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Parang naeexcite na kinakabahan na kinikilig? Kinakabahan kasi, first time ko 'to eh. Malay ko ba kung ano ang mga dapat at hindi dapat gawin dba? Kelangan daw formal kumilos. Eh pano yung clumsy na katulad ko? Huhu.
Naeexcite at the same time kasi parang masaya rin naman? Nung una ko kasing makakita ng ganto eh nakokornihan ako. Parang ang over kasi may kung ano ano pang nalalaman. Pero hindi ko alam na pag sayo pala nangyari eh parang may kakaiba sa pakiramdam mo.
There is nothing wrong if you want to try something new every day.
At kinikilig kasi, na f-feel ko na parang special ako dun sa nag aya sakin ng date. Although this is just a friendly date.
Syempre, special thanks sa pinaka maganda kong bestfriend na nag ayos sakin. Sponsor pa! Hahaha salamat kay Bes Kristine. Hihi. Always to the rescue.
FLASHBACK
"DI NGA BES?! AKIN BA TALAGA 'TO?"
"Muka ba 'kong nag jo-joke bes?"
"Oo na! Hihi salam –" bago ko pa ituloy ang ssabhin ko ay agad nya akong binitin sa ere. Magpapasalamat pa naman ako kasi sponsor ko sya ngayon hihi.
"Halika na! Aayusan na kita te!" dagdag nito bago nya ako hilain at paupuin.
Minsan talaga naiisip ko na may saysay din ang bestfriend ano? Kasi minsan diba, puro nalang harutan, kulitan, joke dto, joke dun, murahan dto, murahan don at madami pa. Pero this time na feel ko ang presence nya. Bakit? Kasi kahapon pa ako namo-mroblema sa susuotin at magiging ayos ko eh! Huhu buti nalang dumating si bes. Perfrect timing.
"Bes? Matagal pa ba?" tanong ko kay bes kasi halos mag iisang oras na kaming nag aayos. Tapos nya na akong make up-an at this time pag kulot nalang sa mga dulo ng buhok ko ang kanyang ginagawa.
Halos hindi ako makapaniwala sa nakita ko pag harap ko sa salamin. 'ako ba talaga 'to?' para kasing tinawag na ni bes ang magic para maging ganto ang itsura ko. Oo, simple lang. Pero mas lumevel up kesa sa pagiging simple na ako. Yung walang make up at arte. Alamo yun? Nag evolve kumbaga. Ngayon ko lang din to naranasan.
"Eto na tapos na. Last nalang." eto na ata yung last na ikukulot nya sa buhok ko.
After 10 mins at saktong 7:45 nang matapos kami sa ginawang make over sa sarili ko. Napaka ganda ko ngayon. Hindi ako makapaniwala. Tumawag ba si bes ng himala?
"ANG GANDA MO." with full conviction na sabi niya sakin.
"Salamat bes! Kundi naman dahil sayo hindi ako ganto ngayon eh hehe" pagpapasalamat ko sa kanya then kiniss ko sya sa pisngi nya ang hugged her. Nakita ko naman na ngumiti sya ng malapad.
BINABASA MO ANG
My Boyfriend is a Casanova
Teen FictionWe met people with different personality, history experience and characteristic. Sometimes, you fall in love with the most unexpected person at the most unexpected time and you are lucky enough when you find both love and friendship in the same per...