[ MAX' POV ]
Flashback
Pag dating na pagdating ko sa bahay ng pamangkin ko ay agad kong inilapag ang mga gamit ko. Ganun pa din kaganda at walang ipinagbago. "Tandaan mo lahat ng binilin ko sayo, okay? And makukuha mo lang yung cellphone mo after a week." Tumango nalang ako bilang pagtugon.
Maya maya ay umalis na si Daddy. Pinuntahan ko yung kwarto na itinuro sakin kung asan si Kelly, yung pamangkin ko. Ang hilig talaga neto sa kulay pink, halos lahat ng design sa kwarto niya ay pink.
Napakatalented rin ng pamangkin ko na 'to. Makikita mo yung mga medals na nakasabit at trophies na naka display, ang galing galing niya.
Bigla akong napatingin dun sa family picture nila. Si tita, tito at yung isa niyang kapatid. Naaalala ko na naman ang mapait na sinapit nila noong panahong naaksidente ang kapatid niyang si Kevin. Nasagasaan siya ng isang malaking truck, dinala siya sa pinakamalapit na ospital pero sa kasamaang palad, dead on arrival na si Kevin.
Bumaba muna ako para pumunta sa kitchen. Hindi pa naman siya gising eh, hahayaan ko muna siyang magpahinga.
Biglang sumagi sa isip ko si Kristine. Sa saglit na oras na yun ay nakalimutan ko pala siya, kumusta na kaya siya? Miss ko na agad siya.
Pansin ko rin na inalis yung mga cellphones dito, pati na rin ang TV at kung ano ano pang bagay na may radiations.
-after 6 days-
Uuwi na ako bukas, sa loob ng halos anim na araw eh okay naman yung pakikitungo namin sa isa't isa.
"Gusto mo po? Hehe." Alok sakin ni Kelly nung kinakain niyang marshmallows. Ang takaw nya dto, paborito niya kasi. Umiling lang ako dahil busog pa ko. Actually kakatapos ko lang din kumain mga ice cream.
Sinabi rin sakin ni Kelly na simula nung natulog siya katabi yung mga cp, laptop, at tablets niya ay bigla na lang siyang may naramdaman na masakit sa ulo niya. Nung nag pa check up siya, dahil pala sa mga radiations na nakuha siya sa mga gadgets.
"Next time mag ingat ka Kelly ha? Wag itatabi malapit sa ulo yung mga gadgets. Masama ka kasi yun sa kalusugan."
"Okay po kuya hehe. Thank you po pala sa pag aalaga nyo ha, nakaistorbo po ako sa'yo."
Hindi naman istorbo sakin si Kelly. "Wala yun Kelly. Masaya ako kasi nakasama rin kita, at least naalagaan pa kita. Miss ka na ni kuya eh."
Ngumiti siya sakin saka ako niyakap. Masaya niya kong niyakap kaya niyakap ko siya pabalik. Uhmm! Namiss ko talaga 'to.
"Wait lang Kelly ha. Cr lang ako."
After ko mag CR ay dumeretso muna ako sa kitchen dahil nakaramdam ako ng konting uhaw. Isasara ko na sana yung ref nung bigla akong may narinig na kaluskos pababa ng hagdan.
Kinabahan ako ng bahagya.
Kami lang kasi ni Kelly dito, dahan dahan akong umalis sa kitchen para tignan kung sino yun. Pababa siya ng hagdan, nasa taas lang si Kelly.
Kinuha ko yung knife para in case na magnanakaw nga ready ako. Lord, bahala ka na po.
"Kelly!" Pag tawag ko sa pangalan niya para matiyak kung ayos pa siya. "What the heck Max!"
"Shit." Bulong ko. It's only my dad, kung may sakit ako sa puso baka inatake n'ko "Bakit ka ba nasigaw? At bakit ka may kutsilyo?" Takang tanong nito.
BINABASA MO ANG
My Boyfriend is a Casanova
Teen FictionWe met people with different personality, history experience and characteristic. Sometimes, you fall in love with the most unexpected person at the most unexpected time and you are lucky enough when you find both love and friendship in the same per...