✓ chapter 4 BAR

924 23 0
                                    

Yoenwu's pov

*KINABUKASAN*

Nandito ako sa locker ko kakatapos ko lang galing sa training sa swimming.

Nakakapagod pero isa ako sa panglaban ng school namin pagdating sa swimming.ito rin ang dahilan para sumikat ako dito sa campus.

Pero ang nakakadismaya lang ay simula inamin ko kay miyung ang nararamdaman ko ay iniwasan niya na ako.ang akala ko di siya seryoso dun pero bakit niya ako iniiwasan.

Sinara ko na ang locker ko.ng biglang makita ko si baesuk sa bandang kaliwa ko.magkalapit lang pala kami ng locker.

Nababadtrip talaga ako kapag nakikita siya.dati paman ay mortal ko na yang kaayaw.mas lalo na ng dumating si miyung.kaaway ko siya sa lahat ng bagay.minsan ngay muntikan na kaming magsuntukan dahil lang sa isang papel.pero ngayon di ako papatalo!

Napatingin din naman ito sa akin pero agad siya umiwas ng tingin at sinara na ang locker niya at naglakad.

"Hoy!"sigaw ko.napahinto naman siya sa paglalakad at marahang humarap sa akin.lumapit ako sa kanya.

"Ano?"tanong niya.kita sa mukha niya na tinatamad siya.

"Tsk,pwede ba!bakit kapag may gusto ako inaagaw mo?"inis na sabi ko sa kanya.napatingin naman siya sa ere sabay napangisi ng marahan.

"Wala akong inaagaw sayo,bakit si miyung ba pag mamay-ari mo!?"sabi niya.napatingin ako sa kanya ulo hanggang paa.

"Bakit pag mamay-ari mo rin ba siya?"natatawang sabi ko.

"Hindi pero malapit na"sabi niya.wala siyang pinakitang emosyon.sabay talikod at umalis.napailing nalang ako dahil sa huli ako pa ang nagmukhang tanga.

Baesuk's pov

Naglalakad na ako pabalik dito sa room.nagulat nga ako ng bigla akong kausapin ni yeonwu kanina.

Para ano?kay miyung?sus!di ako papatalo.dati pa ay pagdating sa sagutan ay ako lagi ang panalo kay yeonwu.pano boga yun.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"May dumating bang lec natin?"tanong ko kay shon.seat mate ko.

"wala pa dre,pero nakita kita kanina at si yeonwu,nagkasagutan na naman ba kayo?"si shon

"Ano pa ba oo,tsaka sino ba ang talo?syempre siya"pagmamayabang ko.napangisi naman siya sa sinabi ko.

"Bro,alam mo na ba?"aniya

"Ang alin?"

"Na si yeonwu nagtapat na kay miyung!"sabi niya.halos lumabas na ang kaluluwa ko dahil sa salitang binitawan niya

'na si yeonwo nagtapat na kay miyung!'

'na si yeonwo nagtapat na kay miyung!'

'na si yeonwo nagtapat na kay miyung!"

Di mawala sa utak ko yan.talaga bang nagtapat na siya.pansin ko rin na iniiwasan siya ni miyung.siguro dahil sa sinabi ni yeonwu.mabuti na yun.pero nahihiya na akong lumapit kay miyung dahil sa hilaan na nangyari.

*UWIAN*

This is my time.yayayain ko na si miyung umuwi ng sabay.may kotse naman ako.balak ko siyang ihatid mismo sa bahay nila.kakapalan ko na mukha ko,inayos ko muna buhok ko.

Boy In Love (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon