✓ chapter 6

739 20 0
                                    

Miyung's pov

Nagising ako sa bango ng linunuto sa baba.nagutom tuloy ako bigla.kaya naghilamos ako at naligo.nakauniform na rin ako.pagbaba ko ay nasa kusina si amma,nagluluto habang si unnie paalis na.

"Miyung bago ka umalis paliguan mo si chuchi"utos ni unnie sa akin.si chuchi aso namin.isa syang Siberian husky.binili namin siya nung puppy palang siya.ngayon ay 2 years old na siya.hes a boy.

"Sige unnie"

"Annyeong!"nadinig kong sabi ng pamilyar na boses.kaya napalingon ako sa likod.kakaba niya lang ng hagdan.

"Oh liyung nandito ka pala?"tanong ko.nasa daegu kasi siya nakatira.si kim liyung ay pinsan ko.sabi nga ni amma pinaghawig daw talaga nila ni tita yung pangalan namin.miyung,liyung.

"Uy insan gising kana pala,ah oo nandito ako kasi dito na ako mag-aaral"sabi niya habang papunta sa table.

"Geh amma,miyung,liyung alis na ako"paalam ni unnie.lumabas na rin siya.

"Maupo kana liyung at kumain na kayo,may pupuntahan lang ako saglit"sabi ni amma.tinanggal niya ang apron niya at lumabas ng bahay.umupo na rin naman si liyung sa harapan ko at kumain na kami.

"Liyung"tawag ko sa kanya.

"Hmm"

"San ka mag-aaral?"tanong ko.napatingin naman siya sa akin.

"Eh di sa school mo,di na kasi ako pinag-aral ni appa sa daegu.kaya tumawag siya sa amma mo tapos nirequest ni appa na pag-aralin muna ako ni tita"sabi niya habang nakatitig sa pagkain niya.mahirap lang kasi sila.yung amma niya iniwan sila tapos yong appa niya may bisyo pa.nag-away panga si amma at tita dahil sa ginawa niya,ngayon pati  buhay ni liyung masisira.kaya mabuti na ring nandito siya.

"Mabuti na yung nandito ka,makakafocus ka sa pag-aaral mo"ani ko.

"Tama,mababantayan rin kita sa mga manliligaw mo"sabi niya.kaya nahinto ako sa pagnguya at tumitig sa kanya.

"Bakit meron noh?,naku,ikaw miyung ah"aniya.

"W-wala ah!"

"Okey,pero sabi narin ni tita bantayan kita"sabi niya habang humihiwa sa hotdog.

"Bahala ka,bantayan mo ako kung gusto mo"

"Hahahahahaha"tawa niya.

"Kailan ka pala dumating?"tanong ko sa kanya.

"Nung mga madaling araw na,2:38 am ako dumating"

"Ahh okey,kailan ka papasok sa school?"tanong ko.

"Sa lunes pa, mageenroll pa ako eh"aniya.

"Gusto mo samahan kita?"tugon ko.

"Wag na miyung,kaya ko mag-isa sanay na ako"aniya.

Pagtapos naming kumain ay pinuntahan ko si chuchi.nasa ilalim siya ng sofa.kaya tumuwad pa ako para makita siya.

"Chuchi tsu tsu tsu tara bili shower ka na tsu tsu tsu"tawag ko sa kanya.lumabas na rin naman siya sa ilalim.

"Halika chuchi showe------kaso nakauniform na ako!"sabi ko kay chuchi.tumahol naman siya.feeling ko lagi niya akong naiintindihan.

"Pano yan!?"ani ko sa aso.tumahol naman ito ng tatlong beses.napailing nalang ako.madudumihan talaga ako kapag pinaliguan ko siya.shet!

Boy In Love (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon