Chapter 2

11 2 0
                                    

"Ako’y umaamin

Na may pag tingin
Sa’yong pagkataon
Na di nag babago

Mapagkumbaba
Hindi katulad ng iba
Kilala ng marami
Ulo’y di lumalaki

Mga katulad mo
Ang hinahangaan ko
Ang awit na ito
Ay alay ko sa’yo

Sa dami ng iyong
Pingkaka abalahan
Marinig mo pa kaya
Ang nilalaman

Ang boses mo ay
Kabigha-bighani
Hindi mo man marinig
Ang awit ko saiyo

Ipagsisigawan ko
Ako’y humahanga ng lubos saiyo

Araw-araw kitang
Pinakikinggan
Sa ganda mo’y
Bagay ay gumagaan

Sa dinami-rami
Ng may gusto sa’yo
Marinig mo pa kaya
Ang awit na to

Ang boses mo ay
Kabigha-bighani
Hindi mo man marinig
Ang awit ko saiyo

Ipagsisigawan ko
Ako’y humahanga ng lubos saiyo

Saiyo ako’y nabighani
Hindi mo man
Marinig ang
Awit ko saiyo

Ipagsisigawan ko
Ako’y humahanga ng lubos saiyo "Buong atensyon ko ay na kay Julie lang na nakatingin din sakin

Nagpalakpakan ang mga kaklase ko pero nakay Julie parin ang atensyon ko.

"Matutunaw Hance" Buyo ng mga kaklase ko sakin kaya umiwas ako kaagad. Nag init ang tenga ko at nakaramdam ng hiya dahil dun.

"Stop it class. Go back to your chair Hance and Julie" Sabi ni Ms.Kinde at nauna akong naglakad ppunta sa pwesto ko.

Nag apiran sila Jam at Erly kaya naakunot ang noo ko. Para bang tuwang tuwa sila sa hindi ko malamang bagay.

Si Jam at Erly ay kilala bilang bully sa labas at loob ng klase. May mga kasama pa sila sa ibang section at masasabi ko lang madami talaga sila.

Bago nagdiscuss pa si Ms. Kinde ay kinantahan muna namin ng happy birtyday song si Julie. Na nagpasalamat naman.

Tapos na ang klase at naglalakad na ako ngayon sa labas ng building kung saan ang klassroom namin. Natigilan ako sa paglalakad ng makita ko si Julie at Ace na magkayakap.

Nakaramdam ako ng kurot sa puo ko kaya hindi na lang ko lumingon dun at nagpatuloy sa paglalakad ko palabas ng gate ng campus.

"Hi Hance!" Napatingin ako kay Gelai na kumaway sakin. Nginitian ko oang sya at sumabay naman sya sa paglalakad ko.

Si Gelai ay isa sa mga naging classmate ko hanggang ngayon. Mukha syang nerd pero wala dyang makapal na salmin sa mata. May bangs sya at ang mga damit nya ay maluwag sa kanya at nakajacket pa ito kaya napagkakamalang nerd.

"Gusto mo ng ice cream?" Tanong nito ng may padating na mamang nagtitinda ng dirty ice cream.

Tumango ako sa kanya at sya na ang bumili. Gelai a nerd but have a good inside. Kung sya na lang sana pero si Julie and hinahanap ng puso ko.

Naalala ko na naman ang yakapan ni Julie at Ace kanina. Inside of my heart hurt. Masisisi ko ba si Ace kung siya ang pipiliin ni Julie.

Malakas ang dating nya,Gwapo,mayaman at matalino. Ni isa sa katangian na meron sya wala akong nataasan.

Hindi malakas ang datingko,hindi gwapo pero good looking,Hindi mayaman ang parents ko dahil scholar lang ako,may isip din naman ako pero hindi tulad ng kanya.

"Hoy!" Naitlag ako at napatingin kay Gelai na inaabot sakin ang Ice cream. "Kanina ka pa tulala. Kainin mo na to dahil natutunaw na" medyo tumawang sabi nito. Kinuha ko sa kanya ang ice cream at kinain ito. "Anong iniisip mo?" Kita sa mukha nya ang pagtataka.

"Si Ace" sagot ko.

"Hah...bakla ka ba?!" Tumatawang tanong nito sakin at hinila ang laylayan ng bag nito at naunang naglakad habang sa kabila nitong kamay ay hawak ang ice cream nya "Bakit mo naman iniisip yun?" Takang tanong nito na nilingon ako.

Bumuntong hininga ako at bahagyang umiling sa kanya na tumingin na sa nilalakaran niya.

"Oh!!" Malakas na sigaw nito na aktong matutumba sa kalsada pero kaagad ko syang nasalo.

Nakaramdam ako ng bahagyang  pagtigil ng tibok ng puso ko. Nakatingin lang ako sa mata nya at ganon din sya sakin.

Ako ang unang nagiwas ng tingin sa kanya at tinayo sya ng maayos.

"Mag-ingat ka!" Sabi ko sa kanya bago unang maglakad at naramdaman ko ang paghabol nito sakin.

"Salamat" ramdam ko ang saya sa tonong ng pagkakasabi nito. Tinanguan ko na lang sya at ngumiti. "Paalam" Dagdag nito na pumasok sa isang gate.

Tumango ako sa knya at nagtuloy sa paglalakad. Napatingin ako sa kotseng puti. Si Julie at Ace. Bumaba ang bintana nito mula sa pwesto ni Julie.

"Hi Hance" Bati ni Julie sakin na tinanguan kita. "If gusto mong sumali sa band namin punta ka lang sa office may test kami para sa new member. Bye" paalam nito sakin na kumaway pa ang kamay naramdaman kong tumaas ang isang kamay ko na parang nagpapaalam pero kaagad na ibinaba ko ito.

Pagkadating ko sa bahay nakita ko kaagad si nanay na nagbibigay ng order sa customer. may maliit kasi kaming tindahan dito ng mga lutong iniisaw.

"Hi ma" bati ko dito at tinulungan syang magbigay ng order sa customer.

"Napaka bait naman ng anak mo. Tinutulongan ka" Sabi ng isang customer namin na medyo matanda. Nginitian ko lang sya at nagtuloy sa pag gawa. Ako na ang nag isaw ng order nila.

"Nagpapasalamat nga ako dahil kahit wala ang papa nya. Nandyan sya para tulungan ako" Nakaramdam ako ng lungkot dahil sa sinabi ni mama "Napakabait ni Bathala at binigyan ako ng mabait at maalagang anak" Ngiting dagdag nito.

Natapos ang pagtitinda namin ni mama. Inilikpit ko na ang mga lalagyan na nasa lamesa at hinugasan ito.

Nangmatapos ay pumasok narin ako sa loob ng bahay.Nadatnan ko si mama sa kusina na nagluluto ng ulam.

Hindi maliit ang bahay namin o malaki. Saktong sakto lang ito at malinis din kahit na hindi nakatayls ang sahig kundi ang lababo lang namin.

"Kumain ka na at matulog pagkatapos" Sabi ni mama sakin na kinuha ako ng ulam na bagong luto nya at kanin.

Sumabay na din sya sakin ng matapos ay ako na sana ang maghuhugas pero binawalan ako ni mama dahil mapapasma daw ako dahil ako ang nag ihaw kanina at ngayon mag huhugas ako ng plato.

Umakyat na lang ako sa kwarto ko at naligo. Naguot ako ng tshirt na blue at white na short. Habang pinupunasan ko ang buhok ko ay biglang may kumatok sa kwarto ko.

"Anak may naghahanap sayo!" Nanunuksong tinignan ako ni mama pagkabukas ko ng pinto.

Hindi na ako nagtanong at lumabas ng kwarto.

"Nasa labas sya" 'sya' sino naman yun?

Lumabas ako ng bahay at nagulat ako ng makita ko si Julie na naghihintay malapit sa gate namin ng makita nya ako ay kumaway sya sakin. Nag init naman ang tinga ko pero hindi nagbago ang reaksyon ko sa pagtatakang tingin.

"Good evening yayain lang sana kita ngayon sa bahay kasi may celebration ako dun .Since birthday ko ngayon pwede ka ba?" Derektang tanong nito sa akin.

"Hindi" sagot ko dito ng maalala ko ang yakapan nila ni Ace kanina. Bigla namang nalungkot ito kaya kumunot ang noo ko.



I'm His WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon