Jho
1 week nang nasa San francisco si bea, ayoko man maging clingy pero diko mapigilan sarili ko, parang gusto ko sya laging kausap or ka chat. Parang di makukumpleto yung araw ko pag di kami nag usap. Siguro ganito talaga feeling pag may bestfriend ka.
"Miss you Jho." She sends me a picture of her hugging a big piece of chocolate. Pang asar pa to.
"Miss narin kita beh. Kailan ka ba uuwi?"
"1 week nalang yey." Excited na ako na umuwi sya dahil mag hiking kami nila Gi.
"Bilisan mo jan ha. Training na kami beh bye. Ingat ka. :*."
"Naks naman ang lapad ng ngiti parang di kaka break 3 months ago ha." Pang asar ni ate ells. Si ate ells ang isa sa mga pinaka close ko sa team, before bea sa kanya ako nag sasabi ng lahat ng problema ko.
"Grabe naman kailangan ba ako maging malungkot dahil dun?"
"Sino ba yang kausap mo?"
"Si bea to."
"Ay patay na. Mukang tinamaan to kay de Leon ah." Sabi nya na ikinagulat ko. Ano bang pinagsasabi ni ate ells.
"Kung ano ano pinagsasabi mo. Magkaibigan kami tas tinamaan, baliw lang donya?"
"Kinikilig ka ba pag magkausap tayo dati? Tsaka ganyan ka ba nag emote nung nag bakasyon ako? Di ba hindi naman? Daig mo pa role ng jowang nasa LDR eh."
Bigla tuloy akong naguluhan. I know iba ang trato ko kay bea, mas sweet ako and showy sa kanya compare sa ibang friends ko, pero di ko naman iniisip yun dati akala ko ganun lang talaga. Naguluhan tuloy ako sa feelings ko for bea. Mukang napansin naman ni ate ells yung pag tahimik ko kasi bigla syang nag salita.
"Hala! Nagisip so di mo alam ano nararamdaman mo?" Gulat na sabi nya na lalong nagpagulo sakin.
"Donya kasi eh kung ano ano sinasabi mo napaisip tuloy ako."
"Sinasabi ko na nga ba eh. Mukang kailangan natin pag usapan yan ah."
"Eh donya anong pag uusapan? Straight naman--"
"Ells, Jho practice na tayo."
Biglang sigaw naman ni ate ly kaya di natuloy yung sasabihin ko.
"Mamaya na after practice. Tayo partner ngayon wala yung jowa mo eh hahaha." Pang aasar nya sakin
After practice nag cool down muna kami ni donya sandali then nag shower. Niyaya nya akong kumain sa labas so sumama na rin ako sa kanya. Habang kumakain kami nag tanong na sya.
"So kailan ka naguluhan sa feelings mo?"
"Di ko alam. Di ko naman sya iniisip eh, kanina lang talaga ako nag isip nung sinabi mong para akong jowang nasa LDR."
"Ang tanga mo. Di mo ba napapansin na sweet ka sa kanya?"
"Hindi naman."
"Sige ganito nalang bigyan mo ako ng time na naglakad tayong holding hands? Or naka back hug ako sayo habang nag hihintay ng drills? Or namimiss pag di agad nakapag reply? Tsaka kailan ka pa naging clingy? Para kang tarsier na naka kapit sa braso nya hahahahaha." Oo nga ganun nga kami ni bea. Pero di ko binigyan ng malisya yun kasi akala ko natural lang sya.
"Di ba natural sa magkaibigan yun?"
"Natural naman. Kaso di ka naman ganun dati kaya parang di natural. Ang tanong ko bat biglang sweet ka?"
"Ewan? Kasi batchmate ko sya and bestfriends kami?"
"Mag tigil ka jan sa batchmate at bestfriend dahil batchmate at bestfriend mo nuon si marge, may jowa lang sya ngayon kaya medyo hati ang atensyon nya pero nung wala pa syang jowa di naman kayo ganyan."