TDYSG3

10 0 0
                                    


MIN POV. ( Mother Of Chanel )

" Good morning ma! "

" Oh anak good morning din. Papasok kana ba? " sabi ko. May kailangan kasi akong sabihin. Pag nakikita ko ang anak ko parang wala syang sakit siguro hindi nya nalang iyon iniisip.

" Opo ma. Baket po? may sasabihin po ba kayo? " sabi nya.

" Oo sana anak eh. Ah kailangan muna kasi natin umuwi ng probinsya, mga 1 month din siguro financial problem kasi anak eh. "

" Okay lang po ma hehe. Kailan po ba tayo uuwi dun? " tanong nya.

" Bukas na sana anak. Kaya baka magpunta ko sa school nyo mamaya at ieexcuse muna kita. "

" Ganun po ba? sige po ma okay lang po. "

" Salamat anak. Salamat sa pag intindi. Oh kamusta ka naman? wala ka bang ibang nararamdaman? " tanong ko.

" Okay pa naman po ako ma. Pero ma ayoko na po muna isipin yun sa ngayon. " sabi nya. Naaawa ako sa anak ko.

" Sige anak. Magiingat ka ha? "

" Opo ma. Salamat po " sabi nya. At pagtapos nyang ikiss ako umalis na din sya. Ay nakalimutan nya nanaman kumain ng agahan.

- -

IVAN POV.

Nandito na ko sa room ngayon at hindi ko napigilan makinig sa pinaguusapan nila chanel.

" A-ah girls. Aalis muna ko siguro mga 1 month. " aalis sya? pero san sya pupunta?

" Huh? san ka naman pupunta? at bakit? " sabay sabay na sabi ng mga kaibigan nya.

" Financial kasi eh. Sa probinsya muna kami. Pupunta dito mamaya si mama para ipaalam ako. Pasensya na " sabi nya.

" Pero pwede naman namin kayong tulungan eh. Magsheshare kami sa inyo. Bibigyan namin ng trabaho mama mo kung nawalan sya ng trabaho. " sabi ng kaibigan nya na si julie ata.

" No ayoko ng ganun. Kahit kaibigan ko kayo ayoko pang mamroblema pa kayo. Tsaka 1 month lang naman yun eh. "

" Sige ikaw bahala girl ah. Basta pag kailangan mo ng tulong namin nandito lang kami. " sabi naman ng kaibigan nyang si lyza ata.

" Oo nga. " sabi naman ni erika.

" Oo naman salamat sa inyo ah? " sabi ni chanel.

" Wala yun. Ano pa at naging magbestfriends tayo ahaha. "

Hmm aalis nga sya. Kailangan ko syang makausap. Pero bakit ko ba iniisip yun?! ano naman kung aalis sya?! haays!

- -

CHANEL POV.

" Oy panget! " alam ko na kung sino to eh. Isa lang naman tumatawag sakin ng panget eh!

" Oh ano yun panget?! "

" Anong sabi mo?! "

" Wala! sabi ko panget ka na nga bingi ka pa! " ahahaha.

" Seryoso nga kasi! "

" Ahaha kailan ka ba nagseryoso?! " napasimangot nalang sya ahaha. Cute din pala sya kahit papano.

" A-ah a-aalis k-ka? " nagulat ako sa tanong nya. Pano nya nalaman?

" H-hindi k-ko kasi sinasadya na m-makinig kanina. T-totoo ba y-yun? "

" Totoo nga yun! ano naman sayo?! "

" Oo nga! ano nga naman sakin eh wala naman akong pake sayo?! haays! dyan ka na nga! " hala problema nun?

- -

IVAN POV.

" Sige ho sir maraming salamat po. " rinig kong sabi ng mama ni chanel.

" Your welcome basta kailangan nya pa din makahabol sa mga lessons "

" Opo sir. Salamat po. " sabi ni chanel at lumabas na sila ng office. Nagtago lang ako sa gilid at sinundan ko sila.

Nakatanaw lang ako sa tricycle na paalis kung saan sila nakasakay. Nakakainis kasi eh hindi ko man lang natanong kung saan sila pupunta. Tapos 1 month pa sila mawawala haays. Oo na nga eh! inaamin ko na nga na mamimiss ko sya eh! -3-

- -

CHANEL POV.

Alam kong nakasunod samin si ice. Natutuwa ako kasi kahit hindi nya sabihin nakita ko sa mga mata at sa labi nya na mamimiss nya ko ahaha. Ay bakit ba ko kinikilig?! kasi eh mamimiss ko din sya kaasar! bawal ako mainlove sa kanya!

Tama na chanel! wag mo na nga isipin yung lalaking yun! hindi ka pwedeng mainlove sa kanya! siguro eto na yung pagkakataon ko para pansamantala kong makalimutan itong nararamdaman ko para sa kanya.

Oo may sakit ako. Sabi ng doctor may spiral cerebellar degeneration disease daw ako at hindi nya alam kung hanggang kailan ako magtatagal. Naisip ko sabi ng doctor wala pang gumahaling sa sakit na to. Pero bakit ako? bakit sakin pa po napunta itong sakit na to? may kasalanan po ba ko? may rason po ba ito? ano po yung rason na yun? Si mama at ako lang ang nakakaalam ng tungkol sa sakit ko ayoko kasing malaman pa ng iba lalo na ng mga kaibigan ko ayokong magalala sila at ayoko din na kinakaawaan ako. Hindi ko nalang iniisip na may sakit ako sabi kasi pag iniisip baka mas lalong lumala. Pero hindi ko mapigilan isipin sa bawat nakikita ko si ice, naiisip ko yung sakit ko, kung pwede pa ba ko magmahal kahit may sakit ako? at kung pwede ko pa bang ituloy ang nararamdaman kong pagmamahal para kay ice? Hindi ako sigurado na mahal ko na sya pero nararamdaman kong sa bawat araw na dumadaan dun din pupunta ang nararamdaman kong ito. Kaya gagamitin ko ang pagkakataon na ito para makalimutan ko muna sya. Baka sa 1 month na yun mawala at makalimutan ko ang nararamdaman ko para sa kay ice.

- -

Ano kayang mangyayari? kaya bang kalimutan ni chanel ang nararamdaman nya para kay ice? o ipagpapatuloy nya para sa kanyang sariling kaligayahan?

Thankyou For Reading My Story :>

-LittleGirl-xoxo

The Day You Said GoodnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon