TDYSG11

13 0 0
                                    

CHANEL POV.

Nagising nalang ako na nandito na sa kwarto ko. Siguro dinala ako ni kuya. Pagtingin ko sa cellphone ko ang daming messages at missed calls yung iba galing kay ice yung iba naman sa mga friends ko at ang pinakamarami ay galing kay jc. Naaalala ko nanaman ang nangyari kagabi pero bakit umiyak ako? Binasa ko lahat ng text at ang nagbigay atensyon sakin ang text ni jc na puro Sorry at I Love You at puro Let Me Explain. Sa pagbabasa ko biglang nagvibrate yung phone ko.

JcPOGI<3 Calling.

Sinagot ko ito at napagdesisyunan kong makipagbreak na ng tuluyan sa kanya.

( Beb i'm sorry. Please let me explain first. I love you please i'm sorry! ) pasimula nya agad.

" You don't to explain jc. Were done were over. I'm breaking up with you isnt that hard to understand? "

( No no please. Friend ko lang sya friend ko lang sya ikaw yung mahal ko. Please beb don't leave me hindi ko kaya! )

" Hindi mo kaya? bakit mo ginawa yun kung hindi mo kaya? wala na tayong dapat pang pagusapan tapos na tayo at malaya na kami ni ice. "

( Dahil ba to sa kuya ko ah?! )

" Hindi! ngayon pinapalabas mo pa na ako pa yung may kasalanan? sabi ko dba? wag mong hintayin na iwan kita! ngayon binigyan mo ko ng malaking dahilan para iwan na talaga kita! "

( Pagusapan natin to beb ayusin natin to please. Just give me another chance and i can prove to you that i deserved a second chance! )

" Second chance? i'm sorry jc pero hindi ko kayang ibigay yun sayo. "

( Mahal mo ba sya? mas mahal mo ba sya kesa sakin?! )

" Hindi ko kailangan sagutin yang tanong mo. Goodbye jc. " sabi ko at binaba ko na at hindi ko namalayan na may tumulo nanaman na luha sa mga mata ko.

- -

JC POV.

Mahal ko si chanel. Hindi ko sinasadya gawin yun siguro nga immature pa talaga ko kasi mabilis akong naakit pero totoong si chanel ang mahal ko. Pero nung sinabi nyang malaya na sila ni kuya? sila ba? kailangan kong makausap si kuya. Sakin lang si chanel.

" Kuya kayo ba ni chanel? "

" Oh alam mo na pala pinakamamahal kong kapatid. " sabi nya at sinapak ko sya.

" Pinagkatiwalaan kita kuya! nagusap na tayo dba?! kala ko tumigil kana! pero hindi! bakit mo ba sinisira relasyon namin?! bakit ba nanggugulo kapa?! " sabi ko at gumanti sya ng sapak.

" Kasalanan mo din naman dba?! niloko mo sya! oo jc alam ko yun! tama lang na ako talaga ang piliin nya at hindi ikaw! "

" Hindi ko sya niloko! mahal ko sya at alam mo yan! kaya pwede ba kuya! hayaan mo na kami! hayaan mo naman na maging masaya ko kasama sya! wag mo na kaming guluhin! " sabi ko.

" Bakit ko naman gagawin yun?! sayo ba sya?! sinabi ko sayo nung una pa lang akin na sya! masaya pa ba sya sayo?! or should i say sumaya ba sya sayo?! satingin mo ba minahal ka nya?! oo nung nasa probinsya pa kayo pero simula nung tumungtong kayo ulit ng maynila akin na sya! " sabi ko at sinuntok ko sya ulit. Nagpalitan lang kami ng suntok.

" Gago ka! akin lang sya! ikaw nga unang minahal nya pero ako pa din yung boyfriend nya! "

" Wala na kayo! kaya nga malaya na kami dba?! bulag kaba ha jc?! hindi mo man lang naramdaman na kami na at kahit kailan hindi ka nya minahal?! " nagpapalitan lang kami ng suntok ng biglang sumigaw sila mama at pinigilan kami.

The Day You Said GoodnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon