TDYSG13

10 0 0
                                    

CHANEL POV.

Para makasigurado ako kung totoo nga ba ang text na nabasa ko pumunta ako sa bahay nila.

*DING DONG*

" A-ah manang n-nandyan po b-ba si ice? " nauutal kong tanong kasi kinakabahan ako.

" Ay ineng wala sya dito eh. May kailangan ka ba sa kanya? " tanong naman nung katulong nila.

" Ah may tatanong lang po sana. Nasan po kaya sya ngayon? " tanong ko.

" Narinig ko kasi na dun daw muna sya sa condo nya matutulog ngayon. Sa may makati. Bigay ko nalang sayo yung address kung gusto mo kasi mukang mapagkakatiwalaan ka naman hehe at satingin ko mukang importante ang itatanong mo. " h-hindi ko a-alam na m-may condo sya.

" Sige po manang maraming salamat po. " sabi ko pagtapos ko makuha ang address ng condo nya. Tinext ko muna si erika para magpasama.

Ilang minuto lang dumating na din si erika at nagpunta na kami sa address na binigay nung katulong nila. Pero habang palapit kami ng palapit mas lalo akong kinakabahan.

" Satingin mo kaya anong maaabutan natin dun? kinakabahan ako erika. "

" Wag kang kabahan girl magtiwala ka lang sa kanya. Malay mo naman hindi totoo yun. " pagpapalakas ng loob ni erika sa akin.

" Mam nandito na po tayo. " sabi ng driver ng taxi. Nagbayad na kami agad at bumaba na. Dumeretso agad kami sa lobby upang malaman ang room number ng unit nya.

" Excuse me. May Ivan Padilla bang nagmamay-ari ng isa sa mga condo nyo? " tanong ko sa babae.

" Ah actually they own this place. May kailangan po ba kayo sa kanya mam? " tanong naman ng babae. At sa kanila pala to.

" Wow girl ang yaman pala talaga nila ivan noo? " bulong sakin ni erika kaya siniko ko nalang sya.

" I'm his girlfriend. Gusto ko sana sya makita. Actually ngayon ko lang nalaman na may condo pala sila and never nabanggit niya sakin yun. " totoo yun hindi ko talaga alam ang tungkol dito.

" Actually din po mam lahat po ng babae dito na hinahanap si sir ivan eh sinasabi na girlfriend nya. Kanina nga lang po may kasama sya at mukang girlfriend nya din po yun. So mam kung maaari po umalis nalang po kayo. " sabi ng babae at lumabas muna kami at tinawagan ko ang mommy ni ice.

" Oh hi chanel. What can i do for you? "

" Ah kasi po tita nandito po ko ngayon sa condo nyo and gusto ko po sana makita si ivan kaso lang po ayaw po sabihin sakin nung isa sa mga employee nyo yung room number nya. Marami na daw po kasi nagsabi na girlfriend sila ni ivan kaya hindi na daw po sila naniniwala agad agad. " sabi ko at tinignan ko yung babae.

" Ah ganun ba? okay i'll tell them nalang sa kanila na totoo yung sinasabi mo. Gusto mo bang ipatanggal ko yung employee na sinasabi mo? "

" No need po tita. And thank you po. " sabi ko at binaba ko na. At ilang sandali lang ay may tumawag na sa information desk at sinagot na ng babae na nakausap ko kanina at nakita kong tumingin sya sakin at pagtapos binaba na nya. Paalis na sana kami ng --

" Mam! " and yes tinawag kami nung babae.

" Ang galing mo girl! " sabi ni erika kaya lumapit na kami sa babae.

" Mam sa room 3426 po. Last floor. " sabi nya at pumunta na agad kami sa elevator. And wow last floor pa pala kami eh 35 floors ang meron sila.

*TING*

Pagkarinig ko ng elevator mas lalo akong kinabahan.

" Tutuloy pa ba natin to? " tanong ko kay erika.

The Day You Said GoodnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon