TDYSG22

10 0 0
                                    

MIN POV.

" A-anong ginagawa mo d-dito? "

" Patawarin mo ko min kung iniwan ko kayo ni chanel. Hindi ko kasi alam kung paano gagampanan ang pagiging tatay. Pero ngayon handa na ko. Gusto ko bumawi sa lahat ng pagkukulang ko sa inyo. " sabi ni manuel. Ang tatay ni chanel.

" Hindi na kailangan pa manuel. Umalis kana. Hindi ka namin kailangan. Masaya na kami ng wala ka. "

" Hindi totoo yan. Alam ko ang lahat. Dahil matagal ko na kayong pinapabantayan saking mga guard. Alam kong naaksidente si chanel. " kaya pala parang laging may kasundo sa akin. T-teka sya k-kaya?

" I-ikaw yung n-nagbayad ng h-hospital bills? "

" Ako nga hindi ko na pinasabi kasi alam kong hindi mo iyon tatanggapin. " kaya pala hindi na kami siningil.

" Alam ko din na may sakit sya. Min naman. Patawarin mo ko. Babawi ako sa anak natin. Ayokong mawala ang anak natin. Ayokong mamatay agad sya. "

" Hindi sya mamamatay! umalis kana dito! "

" Ma sino sya? " ch-chanel.

" Sya na ba? chanel ikaw na ba yan? "

- -

CHANEL POV.

Napalabas ako kasi parang may kausap si mama kaya tinignan ko kung sino ang kausap nya.

" P-po? ako nga po si chanel. Sino ho ba kayo? "

" A-ah anak sya s-si ano. Si a-ano -- "

" Ako ang tatay mo chanel. " s-sya? pagkasabi nya nun agad ko syang niyakap.

" P-pa *sniff* matagal k-kong hinintay t-to pa "

" H-hindi ka g-galit sakin a-anak? " tanong nya.

" H-hindi po p-pa *sniff* a-alam ko p-pong m-may d-dahilan k-kayo kung b-bakit nyo p-po kami i-iniwan " sabi ko.

" Haay buti pa ang anak ko nakakaintindi hindi katulad ng isa dyan. " sabi ni papa at niyakap nya din ako ng mahigpit.

" Aba at may sinasabi ka pa ah! " sabi ni mama na kinatawa namin ni papa ahaha.

" Ma ano pong meron? " biglang sulpot ni kuya.

" Kuya sya ang papa ko! "

" Ralph? ikaw na ba yan? " sabi ni papa. Magkakilala sila?

" Magkakilala kayo ni kuya pa? "

" Oo bunso! tinuring nya akong anak simula nung nawala si papa. " sabi ni kuya.

" Ang daya naman pa! bakit si kuya kilala ka? *pout* " sabi ko at ginulo ni kuya yung buhok ko.

" Ikaw talaga bunso napakaselosa mo! "

" Ahaha oo nga anak! oh nasan na yung mama nyo? " hala si mama siguradong nagtampo na yun.

Nakita ko si mama na nagluluto kaya niyakap ko sya patalikod.

" Ma ~ wag kana po magtampooo ~ hindi po ba kayo natutuwa na nandito na si papa? kumpleto na po tayo ulit oh. "

" Nako anak kahit kailan hindi ko matatanggap yang tatay mo! iniwan nya tayo! " sabi ni mama.

" Hay nako din ma. Pakinggan kaya muna natin paliwanag ni papa? "

- -

" Alam mo ba pa sabi ni mama patay ka na daw *pout* "

" Anooo?! sinabi mo yun?! grabe ka naman?! " sabi ni papa para silang bata ni mama ahaha.

" Oh bakit?! may angal ka?! iniwan mo kami diba?! " sabi ni mama at aalis na dapat sya pero niyakap sya bigla ni papa.

" Ayiie ~ Mama talaga pakipot pa. Ahaha "

" Oo nga mama! ahahaha. Pakipot talaga si mama noo bunso? " sabi ni kuya. Ahahaha

" Ay nako tigilan nyo ko ah! sige bibigyan kita ng chance para magpaliwanag! " sabi ni mama at nagsimula ng magpaliwanag si papa.

" Patawarin nyo sana ko. Kasi hindi ko alam ang gagawin ko noon. Hindi ko alam kung ano ang tama at mali. Hindi ko alam kung pano ko gagampanan yung nagawa ko. Kaya umalis ako para makapagisip. Patawarin nyo ko kung hindi ko nagawang magpaalam kasi akala ko yun yung tamang gawin pero nagkamalo ako. Kaya nangako ako sa sarili ko na magsisikap ako, yayaman ako at babalikan ko kayo. Nung yumaman na ko naisip ko na kayong balikan kasi gusto kong bumawi sa lahat ng pagkukulang ko. At ngayon handang handa na ko para gampanan ang pagiging tatay ko sa inyo. Patawarin nyo sana ko. " paliwanag ni papa. Naiintindihan ko si papa. Hindi ko magawang magalit sa kanya kasi sya pa din ang papa ko. At ayoko ng sayangin ang mga araw na dumaan basta ngayon masaya ko at buo na ang pamilya ko.

- -

Pagtapos magpaliwanag ni papa. Naintindihan naman ni mama kaya ngayong maayos na kami. Masaya ako at hinihiling ko na sana hindi na ulit kami magkahiwalay-hiwalay pa.

" Anak pwede ka ba namin makausap ng mama mo? kasama na din ng kuya mo. " tungkol naman kaya saan yun?

" Tungkol saan naman po papa? importante po ba yan papa? " tanong ko at tumango si papa.

" Kasi anak. Matagal na pala tayong pinapabantayan ng papa mo. At alam din nya ang tungkol sa s-sakit m-mo " ah y-yung tungkol p-pala sa s-sakit ko. N-nakalimutan kong m-may sakit p-pa pala a-ako.

" A-ah ganun p-po ba? " yun nalang ang nasagot ko.

" Ganun nga anak at gusto ko sana na bumalik muna tayong maynila para doon ka muna magpagamot. At pagkatapos mong magpagamot babalik muna ako sa amerika para asikasuhin yung business natin doon. " sabi ni papa.

" AALIS KA NANAMAN?! " sigaw ni mama kay papa kaya napatawa kami ni kuya ahaha.

" Hindi sa ganun honey. Syempre babalik ako aayusin ko lang ang mga dapat ayusin sa amerika pero babalik ako. " sabi ni papa.

" Wow pahoney-honey kana ngayon ah! okay na ba tayo?! sinabi ko na bang okay na tayo?! " sabi ni mama. Ahahaha

" Honey naman eh! babalik naman ako eh *pout* " ang cute ni papa ahaha.

" Wag ka nga magganyan! ang sagwa tignan! mahiya ka naman sa mga anak natin! " sabi ni mama at nilambing lang sya ni papa ahaha.

- -

Nandito na kami ngayon sa maynila. At bago kami makapunta dito humingi ako ng pabor kay mama at kay papa.

FLASHBACK.

" Ma, pa? pwede po ba ko manghingi ng pabor? " sabi ko kilala mama at papa.

" Ano yun anak? " tanong ni mama.

" Ma pwede po bang ilayo nyo muna ako sa mga padilla? ayoko pong may makitang ni isang padilla. Please lang po ma pa. "

" Bakit naman anak? " tanong ni papa. " Sino ba sila? " sunod pa na tanong ni papa.

" Basta po pa. " sabi ko at sumang-ayon na lamang sila.

- -

" Handa ka na ba? " tanong ng doctor sa akin.

" Opo doc. " sagot ko.

Eto na. Pagtapos kong operahan dito na magsisimula ang panibago kong buhay. Sana sa panibago kong buhay na ito wala ng mananakit at wala ng masasaktan. Papa Lord gabayan nyo po ako sa operasyon kong ito.

- -

Ano na kaya ang mangyayari pagtapos operahan si chanel? magiging maayos na ba ang lahat? makikita nya pa ba ulit ang mga padilla?

- LittleGirl-xoxo

The Day You Said GoodnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon