TDYSG34

13 0 0
                                    

THIRD PERSON POV.

Nagpaalam si chanel kay ivan na bibili lang sa labas. Sinundan ni ivan si chanel at nakitang hindi pala ito bumili kundi nakipagkita kay yanyan.

" Bibili pala ah! sinasabi ko na nga ba! siya talaga yung lalaki mo eh! " sabi ni ivan at pinuntahan niya sila chanel. Sa sobrang galit niya hindi niya naiwasan na masapak si yanyan. *BOOOOGSH*

" Ice! ano bang ginagawa mo?! " tanong ni chanel kay ivan na matalim lamang ang tingin kay yanyan.

" Ano?! sabi mo bibili ka lang yun pala makikipagkita ka sa lalaking to! " sabi ni ivan.

" Nakakahiya ka! " sabi ni chanel at hinila siya palabas ng coffee shop.

" Para kang baliw ivan! bakit ka ba nagagalit ah?! " tanong ni chanel kay ivan na may halong galit.

" Sabi mo kasi bibili ka lang! hindi mo sinabi na makikipagkita ka sa lalaki mo! " sabi ni ivan.

" Kasi alam kong hindi mo ko papayagan! aba malay ko ba na susundan mo pala ko?! tsaka ano naman kung nakipagkita ako sa kanya?! asawa mo ba ko?! hindi ako ang asawa mo ivan! " sabi ni chanel at natulala lang si ivan dahil sa nasabi ni chanel.

" Nagkakamali ka. Para sakin ikaw ang asawa ko. Kaya ayokong may ibang lalaki na lalapit sayo. Umuwi na tayo bebe gerl. " sabi ni ivan at hinila niya na si chanel pauwi sa kanila.

- -

CHANEL POV.

" Bakit kayo magkasama? " bungad na tanong ni mam pagkapasok namin ng bahay.

" Ah bumili po kasi ako nagkita po kami sa coffee shop diyan po sa malapit kaya nagsabay na po kami. " pagpapaliwanag ko.

" Eh bakit hawak ni ivan yung kamay mo? " tanong ni mam rhea.

" Siya po ang tanungin niyo. Siya po ang biglang humawak sakin eh. " sabi ko at binawi ko na yung kamay ko.

" Pssh ano naman? " sabi ni ivan.

" Tss maghanda ka na ng pagkain chanel. " sabi ni ivan at sinunod ko naman siya.

" Kumain ka na ba? " tanong ni ivan.

" Pano ko kakain eh umepal ka. " bulong ko.

" Anong sabi mo? " tanong ni mam rhea.

" Wala po mam. Dun po muna ko sa kwarto ko. " sabi ko.

" Tss. " sabi ni ivan at hindi ko na siya pinansin.

- -

" Yanyan? pwede mo na ba sabihin sakin? pasensya nga pala kanina ah? " sabi ko. Kausap ko si yanyan. At sinigurado kong mahina lang ang boses ko.

( Nalaman mo na ba? )

" Oo pinadna ko siya. At hindi si ivan ang ama kundi si kuya ralph. At sinabi na din ni kuya ralph sa akin ang lahat ng nangyari. "

( Ngayon alam mo na. Gusto mo pa bang bumalik ang ala ala mo? )

" Hindi ko pa alam yanyan. Kailan ba babalik ang ala ala ko? "

( Hindi ko pa masasabi kung kailan. Babalik na ko sa trabaho ko sa isang araw. Tapos na ang linggo na binigay sakin para matulungan kita. )

" Hindi ba pwedeng extend? *pout* "

( Nakanguso ka nanaman ahaha. Wag ka magalala babantayan pa din naman kita eh. )

" Talaga? "

The Day You Said GoodnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon