Sa langit ako'y napatingin
Habang ninanamnam ang hangin
Habang tahimik na humihiling
Na sana'y ikaw ay maging akinNgunit kahit anong panalangin
Mukhang di ka mapapasaakin
Dahil kahit ikaw ang sagot sa aking hiling
Hindi ako ang sigaw ng iyong damdaminKaya't kahit masakit, ito'y aking tatanggapin
At sa malayo ika'y tahimik na mamahalin
Tatanggaping hindi ako ang iyong iniibig
At ang alay kong pag ibig, ibubulong na lang sa hangin-----------------------------------------------------------------
Completed: May 27, 2018 at 11:47 PM
BINABASA MO ANG
Para sa broken
PoetryMinsan sa buhay natin nag hahanap tayo ng bagay na makakapag sabi ng nararamdaman natin.