Tanong

7 0 0
                                    

Tinanong kita kung mahal mo ako
Sumagot ka sa akin ng oo
Kaya't ako'y naging iyo
At nag karoon ng salitang tayo

Nung nag tanong ka minsan "mahal mo ba ako?"
Ngumiti at niyakap ka ng todo
At sinabing "mahal kita higit sa akala mo."
At kita ko ang pag ibig at saya sa mga mata mo

Ngunit lumipas ang mga taon kasama mo ako
Tila nag iba ang ikot ng ating mga mundo
Dahil nung tinanong kita kung mahal mo ako
Ang sagot mo sa akin ay hindi na "Oo"

------------------------------------------------------------------------

Completed: June 2, 2018 at 8:37PM

Para sa brokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon