Minsan ako'y humiling
Na sana'y ika'y mapasaakin
Pinangakong ika'y iibigin
Kahit sa akin'y di ka nakatingin
Ngunit kahit anong panalangin
Tala'y sa akin di nakikinig
Naging bulag sa aking hiling
Sa panalanging nitong umiibig
Kaya't ako'y napaisip
Hindi nga ba ako dapat mahalin
Pakinggin ang aking munting dalangin
Na ika'y sa akin din umibig
----------------------------------------------------------------------------------------------------
Completed: July 14, 2018 at 12:15 PM
BINABASA MO ANG
Para sa broken
PoetryMinsan sa buhay natin nag hahanap tayo ng bagay na makakapag sabi ng nararamdaman natin.