Bakit nung nag karoon ng tayo,
Unti unti kang nag bago.
Dati, masaya kang nag tatanong ng kung ano-ano
Ngunit bakit ngayon ay parang di ka na interesadoNaboring ka na bang kausap ako?
O sadyang alam mo na ang buo kong pag katao.
O kaya naman tungkol sa akin ay wala ng dating sayo
Kaya't wala ka nang pakialam sa aking mga kwentoAyaw mo na bang malaman mga nangyayari sa buhay ko?
Kung ano ang meron o kung meron bang bago
Mukhang oo dahil hindi mo na pinapansin mga bago kong litrato
At kahit mga tulang sinusulat ko ay wala ng saysay sayoItutuloy pa ba natin ang meron tayo?
O hahakbang na tayo palayo at mag kakaruon na lang ng ikaw at ako
Papalayain ang nasasaktan ko ng puso
Bago pa tuluyan itong madurog at masaktan ako ng todo-----------------------------------------------------------------
Completed: June 1, 2018 at 4:40 PM
BINABASA MO ANG
Para sa broken
PoetryMinsan sa buhay natin nag hahanap tayo ng bagay na makakapag sabi ng nararamdaman natin.