Ikaw ang liwanag sa madilim na gabi
Nag bibigay ngiti sa aking labi
Hindi man kita madalas makita aking giliw
Araw-araw ako sayo'y nababaliw.
Sa malawak na hardin, ika'y natatangi
"Mahal ko siya" bulong ko sa aking sarili
Ngunit kahit nais kong ika'y mapasaakin
Dito sa hardin, hindi kita pag tatangkaang pitasin.
Pag ibig ko sayo ay wagas at totoo
Kaya't nais kong ikaw ay lumago.
Ikaw ang pag ibig na nais ko
Kaya't handa akong mahalin ka mula sa malayo
Hanggang sa ika'y yumabong at maging buo
At sana sa oras na iyon, maging karapatadapat ako sayo---------------------------------------------------------------
Completed: June 26, 2018 at 6:28 PM
BINABASA MO ANG
Para sa broken
PoesíaMinsan sa buhay natin nag hahanap tayo ng bagay na makakapag sabi ng nararamdaman natin.