Nung tumingin ako sayong mga mata
Alam ko ng may kakaiba na
Wala nang ningning sayong mga mata
Hindi katulad ng una mo akong nakitaMatagal na, ramdam ko na
Para bang sayo ay may kakaiba
Para bang hindi ka na masya
Tuwing lalapit ako para ika'y makasamaNung una lagi mo akong kinukulit at tinatanong
Gusto mong malaman ang lahat tungkol sa akin pag katao
Ngunit bakit ngayon parang ako'y balewala
Tungkol sa akin ay hindi ka na interisado'Mahal kita' yan ang laging mong sambit
Ngunit bakit hindi ko mapigilang tanungin
Kung totoo pa bang ako'y iniibig
Dahil kahit anong pilit ay hindi ko na maramdaman ang iyong sinasambitPuso ay kumikirot dahil sa sakit na iyong dulot
Habang mga luha ay pilit kong kinukulong
Tama nga ang aking matagal na pakiwari
Ikaw sa akin na'y nag pipigil at napapagodMasakit mang tanggapin itong sandali
Na pag ibig mo'y hindi na tulad ng dati
Kaya't kahit na ika'y aking iniibig
Kailangan kita palayain sa aking pilingCompleted - August 29, 2018 at 2:56 AM
BINABASA MO ANG
Para sa broken
PoetryMinsan sa buhay natin nag hahanap tayo ng bagay na makakapag sabi ng nararamdaman natin.