NM - 3

3.5K 150 0
                                    


Kailan mo kaya ako kakausapin?
Kailan mo kaya mapapansin ang presensya ko?
Kailan mo kaya ako titingnan?

Patuloy na lang ba ako sa pagnanakaw ng tingin sayo?
Patuloy na lang ba ako magiging robot na inuutusan mo?
Patuloy na lang ba akong maging hangin sayo?

Bigyan no naman na ako ng pansin oh.


Naputol ang aking pagsusulat ng may biglang nanghalik sa aking pisngi. And I know it's my bestfriend, Merisa.

Itinabi ko muna ang papel na aking sinusulatan at nginitian ang aking bestfriend na ngayon ay nakatingin na sa papel na aking sinusulatan na mabilis naman niyang kinuha sa aking kamay.

"Hmm.. ikaw? Kailan ka titigil sa kakapantasya sa taong itinuring kang parang hangin?" Nalungkot ako sa kanyang sinabi pero nilakasan ko parin ang aking loob at ngumiti.

Walang ibang nakakaalam sa nararamdaman ko para sa boss ko, maliban lamang kay Merisa, dahil hindi kami nagtatago ng sekreto sa isa't-isa.

"Don't give that look to me, Zue." She sighed, she knows me well. "When are you gonna stop?" Naku ito na siya nagsisimula na.

Kaya bago pa niya ako sermonan ulit ay mabilis akong tumayo at kinuha sa kanya ang papel na aking sinusulatan kanina.

"Ako na mag-oorder dicky," I teased her at kinindatan pa ito.

"Hey, don't change the topic." Rinig ko pang sabi niya.

Agad ko naman kinumot ang papel at tinapon sa trash can na malapit sa counter.

Pagkatapos kung mag-order ay bumalik na agad ako sa table namin at nakitang nakakunot ang noo ni Merisa habang nakatingin sa labas.

"Hey something wrong?" I asked to get her attention.

"Nah, nothing. I just saw a familiar face outside." She shrugged.

Hindi na lang ako sumagot pa at binigay na sa kanya ang favorite niya na Mocha frape habang ang akin naman ay vanilla. Binigay ko din sa kanya ang fave cake niya.

Nagpapasalamat naman ako dahil hindi na niya ako tinanong tungkol kay Juliet.
Madami dami din kaming pinag-usapan, tungkol lang naman sa work and our future.

Pasado alas siete na rin akong nakauwi sa bahay dahil sa haba ng aming pinag-usapan.

Notice Me (GxG) 💍Where stories live. Discover now