MBW C-4

1.6K 37 0
                                    



_________

"Cherry dumating na ba si Ms. Lea?" Tanung ni Ji-hoon habang naghahalo ng gulay. Tumingin siya sa opisina.



Napailing lang sa kanya si Cherry "Naku Ji-hoon may crush ka siguro kay Ms. Lea" tugon ni cherry at itinuro ang sandok kay Lea nang nakitang papasok na ito.



Narinig ni Lea ang sinabi ni cherry kay Ji-hoon. Lumapit si Lea kay Ji-hoon upang kurutin ang pisngi. "Ji-hoon ang cute mo pag namumula ka" biro nito. "Taken na ako Ji-hoon, si Cherry na lang, sexy na maganda pa".Dugtong niya habang papasok ng opisina.



Na- blanko ang mukha ni cherry sa sinabi ni Lea at tumingin kay Ji-hoon. Napailing siya. "Ms. Lea talaga ang hilig magbiro"


Napatingin na lang Ji-hoon kay cherry at tumawa. "Hi hi hi, impossible" sabi niya.



Inirapan siya ni cherry at bumulong. "Kala mo kung sino, sa paningin ko muka ka pa ring oink oink ".


Ilang sandali pa ay narinig nila ang pagdating ni Auntie Lora.



"May meeting tayong lahat after ng duty," kaya medyo ma la-late na tayo ng uwi." Malakas na announce ni Auntie Lora na nasa dining area.


Kinagabihan nagpa meeting si Auntie lora sa lahat ng staff ng restaurant. Kasama din sa meeting si Park ji na masayang bumati sa kanila. Napasulyap siya kay Lea na abalang abala sa pagsusulat.



Ayaw tignan o sulyapan ni Lea si Park Ji. Hindi niya rin ito binati. Hindi naman sa masungit siya o galit. Ayaw lang niyang lumapit dito dahil baka may kung anu na namang mangyare.




Itinaas ni Auntie Lora ang kanyang mga kamay at nagsalita. "Masaya ako na nandito kayong lahat at masaya din akong ibalita na dumoble ang sales naten sa nakaraang tatlong buwan."




Sabay sabay silang nagpalakpakan sa binalita nito.




"At dahil sa hardwork niyo, magkakaroon tayo ng outing sa darating na sabado pwede niyo isama ang inyong pamilya, boyfriend o kapatid at wag kayong mag-alala. All expense are paid by our beloved Oppa Park Ji." Nakangiting balita ni Auntie lora sa lahat.




Nagbow naman si Park ji na nasa gilid malapit kay Auntie Lora. Nagpasalamat ang mga staff at naging excited sa Outing.


"Wow napaka generous pala niya" bulong ni Lea habang nagsusulat. Katabi niya si cherry.



"Mabait po talaga yan si Sir Park, minsan sa sobrang bait niya na-mimisinterpret ng iba lalo na yung mga co star niyang babae, kaya madalas siyang na chichismis na nagkagusto kay ganito, sila na daw ni ganito," kinikilig na sabi ni cherry.



"Ahh ganoon ba, ". Sagot na lang ni Lea. 



" Ang gwapo ni sir noh, hayyyy.." Dagdag ulit ni cherry habang nakatingin kay Park ji.


Loving the HEARTTHROBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon