MBW C-5

1.4K 28 0
                                    


Nagising si Lea sa ingay ng nagbabaang staff. Nakita niya si Park Ji na bumaba na din ng bus at sumunod na din siya dala dala ang kanyang bag.


"Wow ang ganda naman dito". Inikot pa niya ang paningin at natanaw niya ang malaking arko ng resort " PJW Resort" basa niya. "Kanino kaya itong resort? Ang mahal siguro ng pagawa dito".

PJW?? ibig sabihin ba ay Park Ji Wook? Park Ji Wook Resort. Napangisi si Lea. Ikaw na mayaman.



Nakita niya ang kanyang Auntie naglalakad kasama si Park kasunod din si Ji-hoon.



" Halika na Lea para makapag pahinga na tayo." Tawag ng Auntie niya.


Sumunod siya sa tatlo.

Habang naglalakad ay unti-unting tumatabi sa kanya si Park dahilan upang magbanggaan ang kanilang kamay at braso. Naramdaman niyang may parang kuryente ng magdampi ang kanilang balat. Agad siyang umiwas at sumabay sa Auntie niya.


Isa isang tinuro ni Park ang kwarto nila. Ang kwarto naman ng mga staff ay nasa first floor. Silang dalawa naman ni Park ay nasa third floor.
Pumasok agad si Lea sa kanyang kwarto at humiga sa kama. Katabing kwarto niya ang kwarto nito. Sa ibabang floor naman ang napiling kwarto ni Auntie Lora niya.

Gusto niya sanang dun na lang kay Auntie Lora niya. Ngunit wala siyang mahanap na dahilan. Naisip niya na masyado ng obvious kung mamimili pa siya ng kwarto.
Nag crossed arm siya pagkatayo at paikot ikot sa kwarto. Parang hindi siya yata mag eenjoy sa outing nila sa isip niya.


Napalingon siya sa pinto ng may kumatok.
Pinuntahan niya ito at binuksan.
"Bakit sir"? Kunot noo niyang tanung kay Park.


"Kakain na," ngiting sabi nito.


"Ok saglit lang, baba ako mayamaya."


"Ok" sagot ulit nito at kumindat sa kanya.


Dali dali ng bumaba si Park habang si Lea ay sinundan lamang ito ng blankong tingin.

___________


Someone's POV

Nagpahinga muna ang lahat pagkatapos kumain.

Enjoy na enjoy ang mga staff sa pag langoy, ang iba naman ay nagsasayaw sa bar na malapit sa resort.



Nasa bonfire sila Auntie lora, Ji-hoon, cherry, Park at dalawa pang staff na si Kim at Jin. Masaya silang nagkukwentuhan habang umiinum ng alak.

"Ms. Lea may boyfriend na po ba kayo or asawa?" Biglang tanung ni Kim kay Lea.


Natahimik si Auntie Lora at Park at napa baling ang tingin kay Lea. Tinitignan nila kung anu ang magiging reaksyon niya.


"Ah eh,.. Meron na kong asawa."



"Sabi ko sayo Jin, sa ganda ba naman ni Ms. Lea" putol ni Kim at tumapik sa braso ni Jin.



"Meron na akong asawa 3 years ago, namatay siya sa isang aksidente" malungkot na dugtong ni Lea.


Napanganga si Kim sa sagot nito. Ganun din ang iba nilang kasama. Natahimik sandali at muling nagsalita si Lea.


"Ganun talaga, may mga bagay na kailangan mangyare at mawala siguro masyadong mabait ang husband ko kaya kinuha na siya agad ni God" pabirong bawi ni Lea at tumawa.



Tumawa na din ang iba nilang kasama. Si auntie lora naman ay pilit na ngumiti. Tinignan lang ni Park si Lea ng mga sandaling iyon.


Ilang oras ang lumipas at ang mga kasama nila ay unti unti ng nag alisan dahil sa antok at kalasingan. Si Auntie Lora naman ay nakabalik na sa resort upang magpahinga.

Si Ji-hoon at cherry naman ay nakabalik na din sa kani-kanilang kwarto. Habang si Lea ay tahimik na umiinum ng alak. Nilapitan siya ni Park. Hindi ito masyadong uminum ng alak dahil pinagbilinan ito ni Auntie lora na ihatid  si Lea sa resort.


"Tama na yan, bumalik na tayo sa resort"
Aya nito kay Lea.

Loving the HEARTTHROBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon