Chapter 1

18 1 0
                                    

His P.O.V.

“Cedrick Emmanuel Castillo!” pagalit na sigaw ng isang manager naming dito sa hotel.
Nakakatawang isipin na lagi na lang mainit dugo nitong manager pagdating sa akin.

“Bakit po?” ngiwi kong tugon sa nag uusok niyang mukha.
Kung sabagay, may katandaan na si manong kaya lagging mainit ang ulo kaya ako ang pinagdidiskitahan niya.

“Aba eh! Ito kasing cellphone mo. Tunog ng tunog. I-silent mo!” sabay hagis niya sakin yung cellphone ko.
Aba, mabuti at nasalo ko. Mahal pa naman itong cellphone ko at hindi ko pa tapos hulog hulugan.

33 missed calls and 50 messages

Halos manlaki ang mga singkit kong mga mata sa nakita ko.

Sigurado akong aawayin na naman ako nitong babaeng ito dahil sa mga hinala niya. Lagi naman niya akong inaaway kapag hindi ako nagrereply. Kapag may lumalapit saking babae kahit kaklse o kaibigan.

Typical na babae kung magselos pero iba pa rin kapag siya nagseselos. Nakakatakot.

Sino ba tinutukoy ko? Si Vera Grey Knight. Ang praning kong girlfriend na taga Bulacan.

Hindi pa kami nagkikita pero wala pa kaming plano magkita kahit na mag lilimang taon na kami.

Mas gusto naming makapagtapos muna kami para hindi na kami aasa sa magulang namin.

Oo, long distance kaming dalawa. Nagkakilala lang kami via online. Smooth lang relasyon namin pero madalas kaming mag away lalo na kapag nagseselos na siya.
Feeling ko din na sobrang pogi ko dahil napakaselosa niya. Kahit na ganon, mahal ko pa rin siya hehehe.

Lalo na ngayon, nasa on the job training na ako. Kawawang kawawa dahil minsan gabi na shift ko at nag o-over time para lang matapos ang 360 hours ko.

Kaya minsan nawawalan na ako ng time para kay Vera. Pero awa naman ng Diyos. Hindi niya ako inaaway.

Napatingin ako sa cellphone ko ng bigla itong tumunog.

The MonsterBebi’s Calling …….

Napangiti ako sa contact name. Paano kasi, para kasing halimaw kung magalit. Kaya ayan nilagay ko, pero hindi ko sinabi sa kanya. Baka magalit.

Sinagot ko naman yung tawag niya.

“Heeyyyaaaa Beb---“ magiliw kong bati pero nagsalita agad siya.

“What the f*ck Cedrick! Kagabi pa kita tinatawagan at tinetext! Na saan ka bang bwisit ka? Alam mo bang anong oras na! Ni hindi ka nagrereply, bigyan mo ko ng magandang paliwanag diyan. Nakita ko pa post niyo ng mga kaibigan niyo. Tuwang tuwa pa kayo— sumabat ako.

“Hala, wait lang. Mag eexpla–“ ginantihan niya din ako ng sabat.

“What did I said about interrupting me?” malamig na tanong niya na halos kilabutan ako.

Ito yung nakakatakot sa kaniya, bukod sa gumagamit na siya ng Ingles ay yung paggamit niya ng malalamig na salita.

“Huwag sasabat kasi ayaw mo nun.” Napakagat labi ako.

“Good. I need your report today.” Napahinga ako ng maluwang dahil huminahon na siya.

Yung report na iyon ay tungkol sa ginawa ko kagabi. Parang pulis lang no? Nag set up kami at nag serve kagabi kaya nakatulugan ko agad siya.

HRM student ang course ko kaya narito kami sa Pierre’s Hotel dito sa Batangas. Kasama ko din mga kaklase ko para sabay sabay na din kami dahil sa Smith’s University din sila nag aaral.

Si Vera ay third year Civil Engineer student. 20 years old na ko samantalang siya ay 17.

Sa sobrang talino ni Vera ay nakapag accelerate siya. Kaya hindi na nya kailangang mag Kto12 sa talinong taglay niya.

Kaya minsan sa kaniya na ko nagpapagawa ng assignment ko hehe.

Cedrick.” Tawag niya sakin. Pumaling ang ulo ko at nagtanong ng bakit.

”Pupunta kaming Batangas ng pinsan ko.” Nanlaki ang mata ko. Magsasalita na sana ako nung may sinabi pa siya.

“May kailangan kami asikasuhin dyan ng pinsan ko.”

Halos lumaki na naman mata ko sa narinig. As in, ano? Pupunta na siya dito?. Baka binibiro lang ako nito.

“Bebi. Seryoso ka?” Nakanguso kong sinabi, kahit hindi niya nakikita.
Kasi naman eh, hindi ko pa siya nakikita talaga. Hindi pa kasi ako ready hehe.

“Ewan ko. Hindi ko alam saan sa Batangas, babalitaan na lang kita.” Marahan siyang tumawa.

Binaba na din niya yung tawag kasi mag uusap na daw sila ng pinsan niya. At bumalik na ko sa trabaho ko.

Madaya talaga yung babaeng yun. Sana makapag off ako agad para makita ko na siya. Para ikiss at ihug ko siya hehe.

Natapos ang maghapon na paggawa, agad kaming umuwi sa dorm naming magbabarkada. Tinext ko din si Bebi na nakauwi na kami pero wala pang reply.

To: MonsterBebi
E0w. NakAuwi Na KaM3 sa d0rm j3j3. I l0ve y0u. <3~ Txt u qng andito na u.

Ganyan yung text ko hehe. Minsan nga inaasar din ako ng mga kaklase ko, napaka jejemon ko daw.
Pero sabi ni Bebi okay lang daw yun, hindi naman niya ko minahal dahil sa type type kundi kung ano daw talaga ako.

Ayieeee.

Mag tetext sana ako ng isa pang text ng biglang kilabit ako ni Tristan. Isa sa tropa ko hehe.

Kasunod sila Bryan at Daryl. Naging magkakaibigan kami nung nakaraang taon, ewan ko kung pano basta ang alam ko nadapa ako nun.

“Pre, nabasa mo na ba yung groupchat natin sa room?” tanong ni Tristan.

Napakurap ako. Hindi pa kasi ako nag oonline simula nung nakaraang lingo, panay text lang ako kay bebi ko.

“Hindi pa.” tanong ko pabalik. Medyo kinabahan ako.

“Pinapatawag daw kasi tayong mga taga BSHRM eh.” Tugon ni Bryan. Mag sasalita sana uli ako ng pinutol ni Daryl.

“Pinapasara na daw ang Smith’s University”

Nanlaki mata ko at hinimatay.

Joke.


Eh?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon