Chapter 2

6 0 0
                                    

"Ano ibig mong sabihin na mag sasara na ang school natin?" tanong ko.

Kasalukuyan kaming nandito sa dorm nakatambay. Masyado kasing malamok sa labas, baka magalit bebi ko. Hehe.

"Baka naman isasara lang yung pinto" tukso ni Bryan na nakangisi pa.

"Baka faith news" dagdag ni Daryl.

"Gago. Fake new yon." pagtatama ni Tristan. Napataas na lang ng dalawang kamay si Daryl. Parang nang aasar pa.

"Eh kailan daw balik natin? Hindi pa tapos yung ojt natin" tanong ko. Ehh sayang kasi oras. Para makapag ayos na kami ng thesis namin.

Napalingon sakin si Tristan. "Wala naman sinabi. Pero kailangan bukas, umalis na tayo."

Napatango kaming tatlo sa sinabi ni Tristan. Sinabihan din kami ni Tristan na nagpaalam naman na sya kasi kailangan kami. Kaya agad kaming pinayagan.

Matapos kaming mag usap usap. Nagpalit muna ako ng pantulog. Hindi na ko naligo, wala pa namang amoy ang katawan ko. Humiga na ko at napatingin sa cellphone ko.

Napalabi ako kasi wala pang text si Bebi. Nakakatampo. Kaya tinext ko na lang sya na matutulog na ko dahil aalis pa kami bukas.

Hindi ko na rin namalayan na nakatulog na ko.

-

Naalala ko pa non. Syempre hindi pa ko ulyanin. Hehe.

Joke.

Nung araw na pano niya ko minessage sa 'Moon Online'. Ang 'Moon Online' ay isang laro na kung saan ay 3d ang avatar mo. Libo libong tao na naglalaro non kaso hindi pa siya ganon kasikat kumpara sa ibang larong online. Dun ko nakilala si Bebi Bebi ko.

To make the flashback short. Walang ligawan nangyari samin. Walang tanungan ng 'kumain ka na ba.' At mas lalong walang pagkakaibigan.

Ang message kasi niya sakin.
"Hey, you're mine."

At nagblush ako.

-

Napangiti ako ng maalala ko yon hehe, maaga kaming nagising para makapag handa pabalik sa school namin. Panay silip pa rin ako sa cellphone ko kung may text na sakin si Bebi.

Napapanguso ako kapag walang text mula sa kaniya.

Nakaupo na kami ngayon sa bus. Maghihintay pa kami para mapuno yung bus. Medyo napaaga kami ng konti. Pero mas okay na yun kaysa nakatayo.

Nasa bandang hulihan kami nakaupo, para kasya kaming apat.

"Hindi pa rin nagtetext jowa mo?" asar sakin ni Daryl, katabi ko siya ngayon.

"Nako, kabahan ka na. Baka may iba na." dagdag ni Bryan.

Nagtawanan ang mga loko, si Tristan naman ay napailing sa kalokohan ng dalawa.

Biglang lumungkot yung mukha ko habang nakatitig sa cellphone ko.

Hindi naman di'ba?

Ako lang lablab non.

Akoooo laaaaaaaangggggg

"Nooooo" ngawa ko habang nagpapadyak.

Lalong nagtawanan ang mga kaibigan ko, napapatingin na rin samin ng masama angmga iba pang pasahero kaya tumikom agad bibig ko.

Isinadal ko ang ulo ko sa bintana, para kunwari madrama ako.

-

"Hayyyyyy." matamlay akong naupo sa isa sa mga bench dito sa school.

Kakatapos lang nung meeting namin sa room namin. Inaannounce samin kung ano mangyayari.

Hawak ko ngayon ang isang folder, inabisuhan kasi ako ng professor namin na ako maging leader. Tutal naman daw nasa dean lister, kahit hindi halata.

Kailangan daw mag set-up daw kami para sa mga magiging guest namin next week, nakakastress kasi ang mga guest namin, yun yung magiging investors ng school. Nirequest daw ng isa sa mga investors na buong BSHRM ang mag ayos at ang ibang course naman ang bahala sa pagkain. Kaya ako ang isa sa napiling mag lead samin.

Hinugot ko ang cellphone ko mula sa bulsa ko at nag simulang mag type kay Bebi ko, hindi pa rin kasi nagtetext mula pa kahapon.

To: MonstetBebi
bEeeEebIiiiI. @san Ka nAh? (╥_╥) nAnDito PAh KoQ sA SkUl. MaYah UwI nA Meh. wAbYu.

Send.
Send.
Send.

Ayan. Tinatlo ko na para mapansin na niya, hindi ko rin alam kung nasaan siya eh.

Ilang minuto ay tumayo na ko at binalik sa bulsa ang cellphone ko. Baka masalisihan pa ko ehh, at nagsimulang maglakad pauwi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 19, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Eh?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon