Chapter1: The Wedding

8.6K 163 5
                                    



"I DO...." sabay na bigkas nina Lira at Vince matapos ang kasal ng mga ito.

"Mabuhay ang bagong kasal," masigabong sigawan ng lahat ng dumalo sa pag-iisang dibdib ng mga ito. Lahat ay kababakasan ng kaligayan ang bawat naroroon sa simbahang iyon.

Agad na binuhat ni Vince ang asawang si Lira papalabas ng simbahan habang sinasaboy ng ilang abay ang ilang petals ng rosas sa masayang magkasintahan at ngayo'y bagong mag-asawa.

"Finally, for 2 year. I finally become Mrs. Vincent Paul Ortega," malambing na anas ni Lira sa punong taenga sa asawang ngiting ngiting maybuhat sa kanya.

"Yes. Finally, I marry the girl who is patiently waiting for me. You're so good to be true, honey. You deserve to be my wife," anito sabay gawad sa asawa ng isang halik sa noo. Habang palakad palabas ng simbahan.

Paglabas ay nilapag niya muna ang asawa saka masaya nitong hinagis ang kanyang bouquet. At tuwang-tuwa namang nasalo ito ng best friend nitong si Lindsay kaya nagsimula namang tuksuhin ito na baka ito naman ang susunod.

Kasunod noon ay masaya silang sumakay sa sasakyan nila upang lisanin ang simbahan.

Sa reception, kapansin-pansin ang pagiging abala ng lahat ng naroroon. Lalo na nang magsidatingan ang mga bisita galing sa simbahan. Ginanap ang reception sa isang malawak na solar ng mga Ortega. Kung saan ang mga trahabador ng malawak na lupain ng mga ito ang mga punong abala sa lahat. Ang mga Ortega ang may-ari ng malawak na sakahan sa kalakhang probensiya ng La Union. Kung saan pag-aari rin ng mga ito ang poultry farm na nagsusupply ng karne ng manok at baboy sa malalaking mall sa probensiya at karatig probensiya nito.

"Bilisan ninyo at nandiyan na ang bagong kasal," mando ni Manang Guada sa mga kasamahan sa kusina. Si Manang Guada ang matagal nang mayodoma ng mga Ortega. Singkuwenta y singko na ito pero maliksi pa rin kung kumilos.

"Bulaga!" natatawag gulat ni Sacarias aka Saki sa ina.

"Ano ka ba namang bata ka. Aba! Gusto mo yata akong patayin na ah. Aatakihin ako sa pinaggagawa mo!," inis at hampas ng kamay nito sa puwetan ni Saki.

Walang nagawa si Saki kundi tumawa na lang ito sa ina. "Mudra, haggardoVersosa na naman kasi ang peg mo. Yan tuloy losyanggabels na ang iyong facelak. Sayang ang make-up ko sa'yo," ngiting baling sa ina.

"Hay naku! Imbes na gulatin mo akong bata ka. Tumulong ka na lang dito at dumating na ang bagong kasal," nakapamaywang pang ani ni Aling Guada sa anak.

Sa sinabi ng ina ay biglang bumaling sa balintataw ang araw na kinasal ang kanyang nag-iisang matalik na kaibigang si Katkat. Nang makita ni Aling Guada ang mukha ng anak ay maging siya ay nalungkot dahil alam niya kung bakit biglang lumungkot ito.

Inakbayan ni Aling Guada ang anak sabay usal ng mga ito. "Anak, may rason ang lahat ng bagay. At ang nakaraan ay nakaraan at ito ang kasalukuyan na dapat nating tanggapin."

Pilit na ngiti ang sinukli ni Saki sa ina. Hindi kasi mawaglit sa isipan kung paano at ano ang kinahantungan ng pagmamahalan ng kaibigan at ang kanilang senyorito.

NAIA TERMINAL 3 lumapag eroplanong kinalululanan ni Wendy. Isang sopistikada at eleganteng babae. Wendy Bustamante, babaeng pangarap ng lahat ng kalalakihan dahil sa taglay na kagandahan sa mukha at katawan, sikat na talk show host at mayaman. Sa katunayan ay pasok siya top 10 most influential women ng Pilipinas. Matapos nitong umani ng parangal sa America sa kanyang advocacy about love, marriage and family. She even hold a talk show in one of the top television show in America before she transfer here in Philippines.

"Wendyyyyyyyy!," tiling tawag sa kanya ng kanyang kaibigan.

"Gracieeeee!," ganting tili niya naman dito sabay yakap. "Na-miss kita. Sobra," dugtong pa niya rito.

DECEPTION of Wife Mistress(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon