MASAYANG-MASAYA SILANG mag-asawa habang nakatanaw sa asul na tubig ng dagat na binabagtas ng cruise ship na iyon. "Thanks honey," ang malambing na wika ni Lira."You're always welcome hon," tugon sa paglalambing nito. "Padilim na kaya pumasok na tayo sa cabin natin. Its not safe daw maglagi rito.." ani ni Vince.
"Marami pa namang tao hon," angal pa ni Lira dahil gusto pa niya ung romantic scene nila. Tila ba sila sina Rose at Jack ng Titanic.
"Its would be better kung sa silid na natin ituloy ang yakapan natin.." bulong ni Vince na agad namang nakuha ang ibig sabihin ng asawa.
"Ikaw hon ha! Baka naman masundan na nito si Lyra. Nakangiting tukoy sa nag-iisang prinsesa nila.
"Ayaw mo noon, may junior na tayo.." tawang wika pa ni Vince.
Sa silid nga ay hindi na napigilan ang pagsilid ng maiinit na sandali sa piling ng isa't isa. Ang maaalab na halik ni Vince na tumutupok sa damdaming lumulukob kay Lira.
"Ohhh honey..." nahihibang na singhap ni Lira sa mapang-aliping haplos at halik ng asawa.
Tila sinisilaban si Vince ng sandaling iyon hanggang sa tuluyang angkinin ang asawa. Halos abot na niya ang rurok ng kaligayahan ng biglang makita ang mukha ng asawa. Hindi ito si Lira. Pinikit ang mata at muling dinilat ngunit ibang mukha ng babae ang nakikita niya. Iyon ang mukha ng babaeng palagian nakikita sa kaniyang panaginip.
'Nahihibang na ba ako?,' maang na tanong ni Vince sa sarili.
Napayakap si Lira sa kaniya. Napansin siguro nitong napatigil siya at sa pagkakataong iyon ay malinaw na ang mukha ng asawa. Naguguluhan na siya. Bakit tila bumibilis ang pagkakakita ng babaeng noon ay sa panaginip niya lamang nakakasama.
"Honey, are you okay?" Yakap na tanong ni Lira matapos siyang umalis sa ibabaw nito.
Nakahilata siya at nakatingin lang sa kesame. "Honey, late kasi may nakikita akong babae. Noong una kasi ay akala ko sa panaginip lang ngunit kalaunan ay tila nakikita ko na siya kahit saan?" Hindi mapigilang sabihin rito ang babaeng gumugulo sa kaniya.
"Anong hitsura ng babae hon?" Nginig na tanong nito sa kaniya.
"Mga kasing tangkad mo siya honey, medyo bilugan ang katawan. Mabilog din ang mukha na may dimple sa magkabilang pisngi. Mahaba ang itim at tuwid nitong buhok." Pagbibinsa niya sa mga katangian ng babae. Nakitang napalunok ang asawa. "No worries honey, hindi naman ito nakasuot ng white kaya for sure hindi siya white lady." Bawi ng makitang tila nahintakutan ang asawa sa sinabi niya.
Tumawa na rin ang asawa kaya niyakap niya na lamang ito.
SAMANTALA, matapos ipasuri ni Wendy ang balakang ay napagpasyahan din niyang umuwi sa paupahang tinutukuyan. Kailangan niyang magpahinga lalo pa at medyo sumasakit pa ang pang-upo.
Saktong nakauwi na siya ng biglang mag-ring at si Gracie ang nasa kabilang linya. "Hello besh, kumusta!" Bungad rito.
"Heto maganda pa rin besh. Ikaw? Sa Baguio ka na ba?" Masiglang tanong nito.
"Yes and guess what?" Aniya ritong pambibitin.
"Nasampal mo na si Monique? Kumakain ka na ng apoy ngayon o nasarapan ka ba sa paglalandi kay Mr. Delos Reyes?"
"Gaga! Hindi noh..." sabad niya.
"Echoozz lang! Oh ano na girl. Ano nang update?" Maarteng chika nito.
"Guesss..." tila kinilig na natatawang wika.
"Ay! Alam na...nahanap mo na si Mr. Right?" Anito.
BINABASA MO ANG
DECEPTION of Wife Mistress(Completed)
RomanceSa mundong maraming mapanglinlang handa ka bang tumaya laban sa katotohanan. Paano kung ang asawang kapiling mo ay siyang kabit mo. Makakaya bang ibalik ang tibok ng puso ang katotohanang ikaw ay nabitag sa patibong ng iyong sariling ina.