Page 2

17 8 0
                                    

January 3, 2007

Ilang linggo pa lang ang nakakaraan pero, Spring, nasasakal na ako. Nakakapanawa rin pala ang pagkalunod. Iyong sa tuwing nasa binit ka nang kamatayan pero matatauhan ka at aatras, ngunit ang aksyon ay may kaakibat na mabigat na parusa: malalatigo ang likod, matatamaan ng sibat, hanggang sa magdusa, lumuhod, at umiyak nang dahil sa sakit.

Napaka-sahol na ng lahat ngayong wala ka na sa buhay ko. Hindi na 'to magbabago hanggang sa mapunta na siguro ako sa sariling kabaong at matulog nang pang-habang-buhay.

'Yung luha ko, wala na, naubos na sa kaiiyak ko sa 'yo nitong mga nakaraang araw. 'Yung peklat sa puso ko, sariwa pa rin at hindi pa humihilom... hindi na nga siguro 'yon gagaling.

Nakakapagod maghabol sa taong hindi na nag-eexist. Nawawala na 'yung mga bakas na iniwan mo. Hindi na rin kita maabutan pa. Kasi sa tingin ko, kahit anong pilit pa man ang gawin kong iyon, wala na talaga, wala ng pag-asa pa.

Ako 'yung tipo ng tao na naka-ilang ulit na ngang pinatay, patuloy pa rig bumabangon. Spring, alam mo ba na manhid na ata ako... iyon ang nasa isip ko. Kasi kapag iniisip kong hindi, kinokontra ako ng isipan ko. Alam mo rin bang paunti-unti na rin akong lumalapit sa isang kulungang punong-puno ng kalungkutan?

Wala akong karamay, Spring. Walang-wala talaga. Iyong mga kaibigan natin? Sumbat ag binibigay nila sa 'kin.

Bakit daw ba kasi hindi pa kita pakawalan? Bakit daw ba hindi ako maghanap ng pamalit sa 'yo, tutal naman daw, marami pang babae sa mundo.

Gusto kong sabihin sa kanila na hindi ka bagay na ipamalit. Na hindi ka lang minahal para mapaltan. Kasi ako 'yung uri ng nilalang na kontento nang mahulog sa isa... hanggang huli na 'yon.

Sinubukan ko naman kasi 'yung plano nila, 'yung gusto nila, 'yung mga pinuputak ng bibig nila. Kaya lang, sa pagsubok ko na 'yon, napatunayan kong ikaw pa rin, na hanggang pagsubok lang iyon, na walang papalit sa 'yo, na kahit na anong mangyari, ikaw at ikaw lang ang sinisigaw nito kahit wala ka na.

Maulap ang kalangitan. Sumasabay sa nararamdaman ko ang kalawakan. Nais niyong iparating sa buong lugar natin na "Heto si East nang mawala si Spring sa buhay n'ya, ba't ba kasi kinuha n'yo ang nagsi-silbing hangin n'ya sa ibabaw na 'to?"

Tumatama sa mukha ko ang malamig na simoy ng hangin. Nakasandal ang katawan ko sa puno ng isang Narra na nakatayo ro'n sa kalagitnaan ng madamong kapatagan. Masarap ang mag-isa. Lalo na sa mga oras na ganito ang nararamdaman ko. Kaya mas nailalabas ko pa 'yung emosyon ko sa loob.

Walang maingay. Walang kaguluhan. Hindi normal. Hindi rin sumobra. Tama lang para mapanatag ako at ang halimaw na nakakulong sa dibdib ko. Pakiramdam ko nga na lumulutang ako.

Nakakatawa lang, Spring. Palagi ko na kasing dala ang kwaderno na 'to kahit saan ako pumunta. Hindi ko na 'to mawalay sa 'kin. Dahil siguro sa tinuring ko na 'to na ikaw. Parehas naman kasi kayong dalawang tahimik. Kung magsasalita, may importanteng sasabihin o interesado sa pinag-uusapan o kaya naman ay hindi nabu-buryo.

Gustong-gusto na kitang patawanin, Spring. Gusto kitang dalhin sa kapatagan na 'to kung sanang nandito ka. Alam ko kasing magugustuhan mo dito. Matayog kasi ito. Makikita ang duwendeng bayan natin mula rito. Lalo na kapag gabi. Masarao mag-star gazing katulad ng palagi nating ginagawa.

Hihintayin kita kahit imposible. Baliw na siguro ako na iniisip na buhay ka at nasa ibang katawan. Sira na siguro ang tuktok ko kaya ganito na ang mga pinaniniwalaan ko ngayon.

Ewan ko ba, Spring, pero sanay na ako.

Na umasa, na magmahal, at na masaktan.

***

January 12, 2007

Umuulan nang araw na iyon. Malakas din ang pag-ihip ng hangin, animo'y galit na hayop na gustong manakit at dumakip ng nilalang na namumuhay. Nakabukad ang payong, pang-protekta sa mga bala ng ulap na lumalagpak sa kapaligiran, at hawak-hawak naman ang tangkay niyon.

Nakita kita. People would say that I'm crazy to think that girl was you because I said so. But that's true! Fuck those that does not believe me! I witnessed that with my both eyes!

Your long black wavy yet straight hair. The flower crown on the top of your head. Your white as snow skin. Your red pouty and seductive lips. Your black dimensional swallower eyes. The shape of your body was like hers, slim. Your long legs. That white floral dress your wearing... I remember that you love white.

Panandalian akong natulala sa kaniya, sa 'yo. Hindi ko mawari ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Daan-daang tanong ang bumuhos sa isipan ko. Nalilito ako. Parang tumigil ang lahat ng magkasalubong ang mga mata natin. Hindi ako nagkakamali. Ikaw ay s'ya. Hindi mo kakambal, kamag-anak, o isang magulang. Because she was you!

Natatandaan ko pa ang sinabi ko noon. "I'm sorry," sambit ko, basag ang boses. Iyong mga salitang iyon ang lumabas sa 'king bibig.

Lumunok ako nang humakbang ka papalapit sa 'kin. Mariin ang pantititig mo sa akin. Walang kumurap sa ating dalawa, mukhang mali ang gawin iyon sapagkat maaari kang mawala na parang bula. Nangangatal ang mga tuhod ko. Hindi ko maigalaw ang mga kamay ko. Gulat ako pero hindi nagigimbal sa 'yo at sa pagsulpot mo.

"Salamat," sinabi mo sa 'kin 'to, Spring, nakangiti ang mapupula mong labi. Hindi ko alam kung para saan. Hindi ko matandaan kung ano ang magawa ko sa 'yo ngunit napangiti ako. Naramdaman ko ang paghaplos ng mainit na kung ano sa 'king puso.

Pumorma ng kurba ng sa 'kin, ang tugon ko, ibang paraan sa pagsabi ng "walang anoman". At least, alam ko sa sarili ko noon na totoo iyon at hindi peke. Dahil kahit kailanman ay hindi ako naging plastik sa 'yo. Totoo ako simula pa lang. Ngunit ikaw, nang oras na 'yon, hindi ko na matukoy pa kung totoo o likha lang ng isipan ko. Wala na rin naman kasi akong pakialam pa. Basta makita ka'y sapat na sa 'kin.

Tanda ko pa noon kung paano nag-iba ang kulay ng mga mata mo. Mula sa itim na naging gold. Kakaiba. Napaawang ang bibig ko noong mga oras na iyon. Ang mata mo... bakit may nakasulat ng mga roman na numero katulad ng sa isang orasan na may bilang hanggang dose, may mga guhit din ang bilog ng iyong mga mata, may tatlong kamay at ang isa'y gumagalaw -- parang naging isang orasan? Hindi ko matukoy kung ano ang tamang deskripsyon para roon kasi gulong-gulo ako kahit ngayon.

Ikinagulat ko ang paglampas mo sa 'kin... Parang hangin? Parang hangin.

At nang oras na nilingon ko kita, wala akong ibang nakita. Walang iba kung hindi ang sarili ko na nakatayo sa gilid ng kalsada't walang kasamang nilalang na nabubuhay.

Hindi ako nangilabot. Hindi ako natakot.

Ngunit naisip ko nang mga oras na iyon, hindi siya normal na tao.

Tanggap ko na agad kung ano s'ya.

Kaluluwa ba o multo o kung anomang elemento s'ya, wala na akong pakialam. Ano pa nga bang magagawa kapag nahuhulog? Wala na. Kahit i-reject, lalong bibilis. Kapag tinanggap, ganoon din. Kapag nahulog, hulog talaga. Hanggang kailaliman. Hanggang sa hindi na makaalis... Hanggang sa naangkin na n'ya ang lahat ng sa 'yo.

Wala, e. Ganoon talaga kapag tinamaan.

His 12:51Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon