Page 4

13 8 2
                                    

March 1, 2007

MARK. [M]ake [a]gony [r]eversed [k]indly to be able to be set free. MARK TO B[E] ABL[E] TO S[E]T FR[E]E. Endless Everwill Ends Eternity. Like how death separated with life, air that left nothingness, I who still hold to you -- will I end up like them?

***

March 2, 2017

How can this be a journal kung puro ganito na ang inilalagay ko rito? Useless din naman kasi ang mahabang pagku-kuwento sa 'yo, Spring. Kung sigurong naririto ka't humihinga pa, kanina mo pa akong tinarayan habang isinasalaysay ko sa 'yo ang ka-boring-ang nangyari sa buhay ko. Ah! Ewan ko ba. Naiinis ako sa sarili ko. Gusto kong maglahad, alam kong ayaw mo at baka magalit ka lang.

Sabihin mo, ano pa ba ang gagawin ko dito?

Alangang kasing puro ka-emo-han ko na lang ang ilalagay ko, 'di ba? But still, I know that you understand my situation. Hey, I'm trying to move on here. Paano ko nga ba mas mapapadali kung gusto kong pahirapan ang sarili ko?

I'm still here inside my bedroom. Palagi. Nakakulong. At hinihintay ka...

***

March 3, 2007

I gave up once. I kneeled twice. I was killed thrice. But the pain is multiple. Countless. Hindi ko mabilang ang punyal n dala-dala n'ya. Ginawa pang espesyal ang puso ko. Para lang kasi sa kaniya ang lahat ng mga iyon. Ngunit hidi ko na gagawin ang pagsuko. Ilang ulit na rin ang pagkaranas ko roon. Tama na. Hindi dahil sa nakakasawa na, hindi dahil sa ayaw ko na, kung'di dahil sa gusto kong maging matapang simula ngayon. Ayoko nang magpa-api kay emosyon. Palagi na lang siya ang nagwawagi. Kaya ngayon, sisiguraduhin ko na ako naman.

Si Fescha, natatandaan mo ba siya? She said nakita ka rin daw niya... Paniniwalaan ko ba siya? Mapagkakatiwalaan ba siya? Ano ang sa tingin mo, Spring? Alam kong kaya mong basahin ang iniisip n'ya sa simpleng galaw lang ng kaniyang mga mata, bibig, at akto. Mapapadali sana kung tutulungan mo ako. O bubulungan sa tainga.

Kasi sa puntong 'to, hindi na 'ko magtitiwala. Minsan na rin na ginawa ko iyon, 'di ba? Naging saksi ka ng paghihirap ko. Kaya alam kong naiintindihan mo ako.

***

March 12, 2007

Simula noong lumipas ang mga araw, alam ko na. Na hindi ka totoo. Na nalikha ka lamang ng aking isipan. Naalala ko nang nakahilig ako sa bench sa gitna ng parke.

Nang makalipas ang ilang araw, nalaman ko ang misteryo...

That night came, natutulog ako -- hindi, sinusubukan kong matulog. Naramdaman kong may dumampi na mainit sa 'king labi.

"I love you, East," mahinang aniya ng boses. Nang imulat ko ang mata ko, wala akong nakita. Wala ka. Hindi kita naabutan. Alam ko kasing ikaw iyon.

Sa himig, sa lalim, sa kalamigan... Ikaw na ikaw. Walang palya. Wala nang kasunod pang hula. Ikaw lang din naman kasi ang may kakayahan na patibukin ng mabilis ang puso ko, ang patigil nang saglit ang aking mundo, at ang pahinain ang buo kong katawan. Pamilyar pa rin ikaw sa akin. At katulad ka pa rin ng dati. Walang pagbabago. Hindi kumukupas.

Napatanong tuloy ako. Hanggang kailan kaya ang pagsulpot, paglaho mo? Matatapos din ba iyon? May expiration date ba ang sa pagkakaalam ko ay hiniling ko? Kasi sana wala. Umaasa akong sana wala na lang.

Handa na ba akong mawala ka nang tuluyan? Hindi pa rin. Halata naman kasi iyon. Kasi hindi ko kaya, Spring. Hindi maaari.

Natatakot ako, oo. Pero gusto kong tanggapin na wala na naman talaga ikaw. Na namatay ka sa isang bangungot. You died because you struggled to escape from him. To that guy that makes your life more miserable. Si Sarfija, ang namumuhay na nilalang sa isang hindi sikat na alamat. Ang nagrerebeldeng kapatid ni Kerferus, kung ito ang anino ng panaginip, ang isa naman ang bangungot sa panaginip. Sarfija is a ruthless being without soul who wants to take the essence of an individual's self.

Naikwento mo na sa akin iyong unang pagkikita niyong dalawa, tama ba? Usok lang daw ito, ayon na rin nga sa sinabi mo. Walang mata, walang mukha, walang katawan. Purong usok na may nakakapanindig-balahibong boses. Nasa isa kang kagubatan, sobrang dilim at sobrang hamog. Alam mo na naliligaw ka. At sa saglit na oras sa pananatili sa loob, nagpakita ito sa iyo. Tinakasan mo raw ito hanggang sa magising ka. Umiiyak ka nang sambitin iyong mga iyon sa akin... Ang daing mo. Ang ikinakatakot mo. Sambit mo'y ayaw mo nang matulog ulit, ngunit kailangan... Hindi pwede.

Inakala namin na tapos na, Spring. Ngunit isang araw, nakita na lang namin ikaw na walang buhay na natutulog sa sarili mong kama.

Isang malaking tandang pananong ang dahilan kung bakit ka napili nito. Walang kunkretong impormasyon na makikita sa social media tungkol sa kaniya, kay Sarfija. Alam kong nang araw na iyon, hindi ko na kita makikita pa.

Nalungkot ako sapagkat wala na ang taong nagpapasaya sa akin. Nang oras din na iyon, nawala ang buhay ko. Gusto kong kitilin ang sarili ko at sumunod sa iyo. Ngunit natigilan ako at natauhan, napagtanto ko na hindi mo iyon magugustuhan.

Nagpakalasing ako. Nagwala ako. Tahimik na umiiyak. Inilalabas ang sakit na nasa dibdib ko. Humalik ng mga babae. Ikinama ang ilan. Kasi nagbabaka sakali ako. Na ano? Na mawala ang pait sa puso ko. Kasi habang tumatagal, lumalala. Ginawa ko na ang lahat, iba't-ibang paraan. Isinalin sa mga naging babae ang pasakit. Nanuntok para maibsan ang galit sa loob. Tumakas. Nagpakalayo-layo. Nang-iwan. Iyong kalusugan ko, unti-unting humihina.

At isang araw, habang mahimbing ang tulog ko, nanaginip ako. Pero parang isang bangungot.

Nakita ko ang sarili ko sa isang gubat. Mahamog. Tahimik ngunit delikado. Madilim. Nasa unahan ko siya. Ang may kagagawan ng lahat. Si Sarfija. Gusto kong magalit. Pero napaltan ng konpyusyon iyon. Nalukot ang mukha ko. Nanlumo. Nasaktan na naman.

Bakit naging si ikaw ang bangungot na si Sarfija?

His 12:51Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon