FINALE: PART TWO
Sier, The Moon
Huwag kang magpapaapi. Huwag mong hahayaang makutya-kutya ka nila't wala kang laban. Huwag kang papatol, magkaroon ka ng pasensiya sa puso mo. Don't be easily fooled by lies, never fall in love in a blink of an eye, and never trust a stranger in your life. Maging matatag ka, gamitin mo ang utak at puso mo sa pagde-desisyon, be matured, piliin mo kung ano 'yung sa tingin mong tama. Ilan lang iyan sa mga itinuro sa akin ng aking magulang at Lolo't Lola. Siguro para tumibay pa ang matibay na harapang sa puso ko at para lumaban.
Sinunod ko naman ang kanilang payo. Ngunit malupit lang talaga ang galaw ng bawat mgga bituin ko. It leads mo to this guy who shines bright whenever he's with me.
"Anong assignment?" ang palagi niyang tanong sa akin sa tuwing papasok ako ng room at uupo sa silya ko. Nasanay na siguro ako roon ngunit nang una ay iyamot na iyamot ako. Wala man lang good morning! Nakaka-badtrip 'yon.
Inismiran ko siya't hindi pinansin katulad nang palagi kong ginagawa. Halata naman kasing hindi siya interesado sa takdang-aralin ko. Sa mukha niyang tinatamad at parang walang paki, alam ko na nagkukunwari lang siya upang may topic. Na actually'y paulit-ulit na rin. Kahit ang bawat dialogue naming dalawa sa isa't-isa.
"Gumawa ka ng sarili mong homework tutal matalino ka naman," suhestiyon ko. Gaya ng inaasaha'y walang kaemo-emosyon ang kaniyang mukha nang tingnan ko.
"Fine," pagbitaw niya bago pumunta sa sarili niyang upuan.
Hindi ko alam kung anong trip niya sa buhay. Iniiyamot ba niya ako? O sadyang ganoon lang siya? Ngunit katagalan pa'y nagkasundo na rin kaming dalawa.
"Balita ko, may nililigawan ka rawm" alanganing pagbubukas ko ng topic.
Humalakhak siya sa akin. "Sino naman iyong nagbibigay sa 'yo ng chocolates at roses? May mga love letters pa, a!" asar niya sa akin.
Uminit naman ang mata ko. "Don't avert the topic at me. Kailangan kong kilatisin kung papasa ba ang babaeng iyon sa akin," nagmamatapang kong sambit sa kaniya.
Nag-iwas siya ng tingin. "Hindi na kailangan, kilala mo naman siya."
Nanlaki ang mga mata ko. "Who?! Si Salfiora? Derysse? Clarice? Tell me!" Nagpapadyak pa ako.
Sobrag close na namin to the point na pati siya'y nagpapakita na ng nakatagong mga emosyon sa akin. Hindi na siya blangko o ano. Nagbago siya nang dahil sa 'kin.
"Uh-huh, not them," umiling-iling pa siya. Mariin siyang tumingin sa akin, nag-igting naman ang kaniyang panga. "You know her too well."
Kumunot ang noo ko. Ngunit sino? Natulala ako saglit sa kawalan.
Ngumisi siya sa akin. "How about if your secret admirer is to our circle of friends, basted ba?" Humalakhak pa siya.
"Friendzone," maikli kong sagot na ikinasamid niya. Kinunutan ko siya ng noo. Bakit tila nanlumo siya sa nalaman? "What? Is there any problem?"
"Naiiyamot lang ako," may bahid ng pait ang kaniyang boses.
"So may problema ka nga." Sigurado ako roon. "Ano bang masama sa pagiging Friendzone? Kaibigan ko siya, hanggang doon lang iyon. Sana maintindihan niya iyon." Tumango-tango pa ako sa sinabi.
"Kaya nga naiiyamot ako."
***
A/N: Short lang talaga ang update na 'to. Kapag dinagdagan ko, magkakaroon ng spoiler na ayokong mangyari kaya hanggang dito lang ang kaya kong isulat para sa Part II ng Finale. Stay awesome!
BINABASA MO ANG
His 12:51
FantasySo you think that everything will be destructed when she's gone? Assumingly, you thought that she's your world? But she's not. She can't be. There's a time that you need to accept things to be better, not bitter. Acceptance, what surely needs to be...