Finale [His 12:51]

13 5 0
                                    

FINALE: PART FOUR

His 12:51

Mahalaga ang oras. Mahalaga ang mga pagkakataon. Mahalaga ang pagtanggap. Mahalaga rin ang pagpapalaya. Para maging magaan ang buhay, iyong tipong walang bigat, kailangan na isalin ang mga elementong ito sa sarili.

Mula sa kadiliman, sa isang tagong silid-aklatan, sa isang sulok, isang tao ang may hawak-hawak ng pulang panulat at makapal na aklat. Seryoso ang mababasa sa kaniyang mukha. Ngunit kung sisisirin ang kailaliman ng kaniyang mga mata, walang ibang makikita roon kung'di ang poot at galit na kaniyang nararamdaman.

Naiwan siya. Naiwan siya sa ere samantalang ang mga ito'y nagpapakasaya? Kaya kinuha niya ang blangkong libro't pulang panulat sa isang makapangyarihang nilalang na walang ibang ginawa sa kaniya bukod sa pagiging mabait at maalalahanin.

Sa punto ng kamatayan, bagong buhay ang mabubuo. Bagong memorya, bagong storya, bago ang lahat. Ngunit ang sakit sa puso ay hindi, sapagkat mananatiling peklat ang nakaraan.

Pasalamat na nga lamang at isang minor Sarah Arujah ang kaniyang nakuha mula rito. Una pa lang ay alam na ng nilalang na iyon na mangyayari ito ngunit hinayaan siya at ang lahat ay naaayon sa mga mangyayari.

Hindi man niya kayang ibahin ang takbo ng buhay ng mga ito, kaya naman niyang alamin ang mga iniisip at laruin ang damdamin sa kalooban ng mga ito. Ngayon, susubuka niya kung gaano nga ba ang tatlo katapang. Siguraduhin lang nila na magagawa nila iyon ng tama't walang pagkakamali. Kasi nang maiwan sa ere ang taong ito, wala siyang ginawa kung hindi ang magpakatatag at magpakatikas nang matakluban ang kalungkuta't katakutan sa kaniyang kalooban.

Ngumisi siya habang pinagmamasdan sa isipan ang nangyayari sa buhay nila. Inalis ang memorya sa puso para mahagip ang alala sa isipan, nilaso ang utak ng isang kabulaanan naman, mahinang napatawa ang lalaki sa nasa isip. Ah... Ano pa kaya ang maaari niyang gawin? Ngayong siya na si Tadhana, nararapat lang ba na pasukin na rin niya ang isipan ng mga ito?

Oo nga't para sa mga Threa ay simple lamang at limitado ang mga bagay na nakuha niya, ngunit dahil sa talino't sa tulong ng kakayahan niya, maaari niyang mapalawak ang pagkalimitado nito sa ilang paraan. Dapat hindi siya ginagalit at pinapabayaan, kasi ito ang mangyayari kapag ganoon. Ngunit desisyon pa rin iyon ng kaniyang pinagnakawan. Ito ang gusto, bakit hindi na lang umayon ang lahat sa nararapat na linya upang hindi na kumilo pa? Mas maganda na iyon. Ngunit dapat lagyan ng bali upang magkabuhol-buhol ang dapat na tuwid na sinulid at gumulo ang lahat.

Kasi sa puntong 'to, natakluban ng ulap na nasusunog sa apoy ang kaniyang puso, imbes na makipaglaro na lang ng patintero sa kanila... na kung saa'y ang mahagip ang siyang matataya't mamamatahan bilang isang biktima. Ngunit ayaw niya.

Walang kilabot. Walang tuwa. At ito ang mas may interes siya. Ngumiti nang mala-demonyo ang nilalang na iyon habang sinusulat ang sunod na mga salita.

Hindi pa nagtatapos ang lahat. Simula pa lang ng pagdurusa. Ipatitikim ni Tadhana ang bagsik. Sa pamamagitan ng libro't panulat na nanlilisik. Upang matapos ang lahat sa isang trahedya. Hindi sa isang saya na gustong-gusto nila...

Ano na nga kaya ang magiging resulta ng lahat? Kung pati ata si Tadhana, payag na rin sa kaniyang naninanais?

END OF EPILOGUE

His 12:51Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon