IBWTCG Eighteen

9.3K 223 82
                                    

IN BED WITH THE CAMPUS GAY

CHAPTER 18

(Cleo's P.O.V)

"Kumusta ang paghahanap Corpuz?" Tanong ko sa imbestigador na binayaran ko para hanapin si Loisa.

"Uh ehem.. Wala parin akong makitang lugar na posibleng tinitirhan ni Loisa sir." Napabuntong hininga ako sa sagot na nakuha. 

Sa loob ng ilang taon ay halos yan lang ang sinasabi niya, paulit ulit. 

"My friend saw her, so I know that she's just nearby! Naghahanap ka ba talaga? Baka naman nagsasayang lang ako ng pera sayo?!" Sigaw ko sakanya.

Di ko na mapigilan, gigil na gigil na ako sa lalaking to, anong klaseng imbestigador ba to? Sa loob ng ilang taon, wala man lang siyang maibigay na clue kung nasan si Loisa.

Kung di lang matalik na kaibigan ng parents ko ang magulang nito ay matagal ko na tong pinalitan.

"Mawalang galang na sir pero ginagawa ko naman ang trabaho ko. Wag ka pong mag alala mas iigihan ko pa ang paghahanap" nakayuko nitong sagot.

Huminga nalang ako ng malalim at kinuha ang cellphone ko na nagring.

"Get out. Do your work" agad naman itong sumunod at lumabas ng opisina ko.

Napasandal ako sa upuan ko at sinagot ang tawag ni Misty.

"Giiiirl!" Bungad niya sa tawag.

Nailayo ko sa tenga ko ang cellphone ko sa lakas ng boses niya.

"Stop calling me with that shit" iritado kong sabi.

Napahagikhik naman ito sa kabilang linya.

"Ay sorry naman haha I forgot lalake ka na pala" sabi niya na halatang nang aasar.

"Ano ba kasing kailangan mo?" Tanong ko pa.

Wala akong panahon para makipagbiruan. Gusto ko nang mahanap si Loisa. As much as possible I want to settle down na din. I'm not getting any younger.

"Eto naman masyadong masungit! Mangangamusta lang naman ako eh. May clue na ba kayo kung nasan si Loisa?" Tanong nito.

Napabuntong hininga nalang ako. Akala ko pa naman may maitutulong siya.

"Wala" malimit kong sagot.

"Ay ganun ba? Kung di ko sana kasama pamangkin ko nun, di sana mas mahaba pa ang usapan namin ni Loisa. I forgot to ask her number. Hay nako don't worry Cleo, pag magkita ulit kami isasama ko na siya sa condo mo!" sabi niya sa kabilang linya.

"Thanks. Sana talaga mahanap ko na siya" nanghihina kong sabi.

Rinig ko naman ang malakas niyang pagbuntong hininga.

"Don't worry Cleo, I'll do my best to find her too" sabi niya pa.

"Thank you Misty, inform me kung may clue kana kung nasan si Loisa ha?"

"Of course! Bye sissy!" aniya at pinatay ang tawag.

Saktong tatayo na ako sa upuan ko nang pumasok ang kapatid kong si Clawjo kasama si Camille na karga ang pamangkin kong 1 year old na si Yhianna.

"How are you bro?" Bungad ni Clawjo sakin.

Ngumiti naman si Camille na sinuklian ko din ng matipid na ngiti.

"I'm fine, I guess" sagot ko at sumandal ulit sa upuan ko.

"Wala paring balita kay L-loisa?" Naiilang na tanong ni Camille.

In Bed With The Campus Gay (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon