IBWTCG Twenty-Nine

4.5K 149 58
                                    

IN BED WITH THE CAMPUS GAY

CHAPTER 29

(Elo's P.O.V)

Sa loob ng mahigit isang buwan kong pananatili dito sa center, masasabi kong medyo nakaadjust na din ako dito.

Nasanay na ako sa mga gamot na pinapainom, luckily wala naman akong ibang nararamdamang sakit bukod lang sa ubo at sipon dahil narin sa pagbaba ng immune system ko.

"Mikael!" dumako ang paningin ko sa playground nang sumigaw ang isang pasyente, natumba kasi ang anak nitong si Mikael, marahil dahil sa kakatakbo.

Maluwag ang center na ito, may part na para sa mga batang positive, nagkakaroon ng ganoong sitwasyon dahil ang ilan ay nahahawa dahil sa nanay nilang positive din. Halos dito na lumaki ang ilan, may ilang rooms din na ginawang classroom para sa mga bata.

Napangite ako nang bumusangot ang mukha ni Mikael, mukhang pinapagalitan ng nanay, dahil sa mahina ang immune system ay dapat na mas doble ingat lalo na ang mga bata.

Napaiwas ako ng tingin, napangite ng mapait, kaedaran lang niya si Caine. Parehong pareho sila bumusangot kapag napapagalitan siya ng mama niya.

Di ko mapigilang makaramdam ng pagkirot sa dibdib, huminga ako ng malalim, isang buwan mahigit palang ako dito pero parang tinutorture ako ng pagkamiss sa mag ina ko. Gustong gusto ko na silang makita, mayakap, mahalikan. Ang hirap gumising araw araw na iniisip kong di ko na sila ulit makakasama.

Pero umaasa parin ako na may babalikan pa ako pagkalabas ko dito.

"Woy! Mag isa ka na naman diyan!" napapikit ako ng mariin nang marinig ang malakas niyang boses. Sinulyapan ko siya at tinanguan bago ko itinuon ang paningin sa mga bulaklak malapit samin.

"Bat ang hilig mong mag isa? Pwede ka namang pumwesto dun--" turo niya sa mga bench na tinatambayan ng maraming pasyente, "Sige ka baka maengkanto ka dito" dugtong pa nito.

Andito kasi ako sa may tagong parte ng playground, may mga punong nakapaligid dito kaya hindi mainit, kung titingnan sa pwesto na itinuro niya ay hindi nila ako makikita mula dito. Nag iisang bench lang kasi ito, naging tambayan ko na din dahil bihira lang silang pumunta dito.

"Helloooo? Ang alam ko HIV positive lang tayo, hindi pipi" malakas niyang sabi. Kung sa mga oras na to na gusto kong mapag isa, nakakairita talaga ang boses niya, nakakabulabog.

Tiningnan ko siya, agad naman itong ngumite ng malawak, maganda naman to pero mas maganda parin si Loisa, mukha namang mabait kaso sobrang lakas lang talaga ng boses niya, "Oh ngayon tutulala ka nalang ng ganyan? Alam mo ang weirdo mo!" taas kilay nitong sabi.

Bumuntong hininga ako, "Bat kaba nandito?" mahinahon kong tanong dito. Ngumite ito, kagaya ng madalas niyang gawin, "Nacucurious lang kasi ako, mukha kasing anlungkot lungkot mo masyado" tugon niya. Huminga ako ng malalim at ibinalik sa mga halaman ang paningin.

Mapait na napangite, "Pano ka sasaya sa ganitong sitwasyon?" seryoso at may diin kong sabi, "Bat ako?--"

"Magkaiba tayo!" putol ko sa sasabihin nito.

Tiningnan ko siya, mukha itong nagulat sa inasta ko pero nawala din naman agad yun, ibang klase. "Wala namang imposible kung gusto mong sumaya eh--" aniya gamit ang seryosong tono. "Bakit? Ano bang nangyari sayo? Nakipagsex ka sa nakarelasyon mong bakla"

Gulat ko siyang tiningnan, pano niya nalaman ang bagay na yun? Wala naman akong ibang pinagsasabihan bukod sa mga doktor ah? "P-pano mo nalaman?" nagtataka kong tanong. Napaiwas ito ng tingin at mukhang nag iisip ng sasabihin. "Ah eh, s-secret!"

In Bed With The Campus Gay (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon