IBWTCG Thirty-Five

4.7K 131 26
                                    

IN BED WITH THE CAMPUS GAY

CHAPTER 35

"Loisa"

"Loisa gising"

"Hoy bakla gumising kana diyan!"

Naalimpungatan ako nang marinig ang mga pamilyar na boses. Nanatili akong nakapikit, pinakiramdaman ko ang paligid, at ang sarili ko.

Ang bigat sa dibdib, parang tinutusok ng karayom ang puso ko dahil sa nalaman, wala na siya, wala na si Cleo.

Napalunok ako, ramdam ko ang pagtulo ng preskong luha mula sa mata ko, parang di ko kayang buksan ang mga mata ko, ang hirap, hindi ko kaya.

"Ay bat siya umiiyak?"

"Nananaginip ng drama te?"

"Huy Cleo, gisingin mo nga tong jowa mo, nang makauwi na tayo"

Para akong nabingi sa sinabi niya, bigla akong natigilan, a-anong ibig niyang sabihin? Tama ba ang narinig ko? Si Cleo ang tinawag niya diba?

"Loisa, gumising kana" bigla akong napamulat nang marinig ang malambing niyang boses, at maramdaman ang mainit niyang palad sa braso ko.

Bumungad sakin ang gwapong mukha ni Cleo, nakangite ito, nanlaki ang mata ko, kumunot ang noo niya. "O-okay ka lang?" nagtataka niyang tanong.

Parang nahugot ko ang sariling hininga, biglang kumabog ang puso ko na para bang namatay ito noon. Di ako makapaniwala, nandito siya, nararamdaman ko siya, nasa harap ko siya, buhay.

"C-cleo--" pigil hininga kong sambit, dahan dahan kong hinaplos ang nagtataka niyang mukha. "Buhay k-ka" my voice cracked. Di ko napigilan ang pag agos ng luha ko, hindi dahil sa lungkot at sakit, kundi dahil sa kasiyahan.

"Ay bakit bakla? Kelan ka namatay?" biglang tanong ni Nica na nagdulot ng tawanan sa mga taong nandito sa cottage.

SA COTTAGE?!

Nanlaki ang mata ko at agad na napaupo. Gulat kong tiningnan sina Arianne, Nica, Misty, iba pang kaibigan ni Cleo, at ang anak kong si Caine na natutulog sa tabi ni Misty.

Natatawa man ay kitang kita ang pagtataka sa mukha nila.

Napunta sa mesa ang paningin ko, nandoon ang iba't ibang pagkain, at ilang bote ng alak na nakabukas at ubos na. Napahawak ako sa noo ko, anong ibig sabihin nito?

"Are you okay Loisa? Masakit pa ba ang ulo mo? Andami mo kasing nainom" tanong ni Cleo na nakaupo na sa tabi ko..

Naguguluhan man at nagtataka ay di ko parin maiwasang matuwa na nakikita ko ang mukha ni Cleo ngayon. Akala ko hindi ko na siya makikita, akala ko iniwan niya na ako..

Umusog ako palapit sakanya at niyakap siya ng mahigpit. Ramdam ko ang gulat niya pero di kalaunan ay tumugon din ito. Di ko mapigilang mapangite at mapapikit, ansarap ng yakap niya, randam ko ang tibok ng puso niya, buhay na buhay.

"Mahal na mahal kita Cleo--" mahina kong sambit, "Wag mo kong iwan ha? Wag ka munang mamatay, di ko kakayanin" naiiyak kong sabi. Ramdam ko ang paggalaw ng balikat niya, tumatawa.

"Ano bang nangyayari sayo? Mahal din kita, at wala akong balak na mamatay agad" mahina niyang sabi na saktong ako lang ang makakarinig.

Nakahinga ako ng maluwag, parang binunutan ng tinik ang puso ko, okay na yun, kontento na ako sa sinabi niya para hindi mag alala.

Kahit sabihin nating panaginip lang ang lahat ng yun, di parin mawawala sakin ang takot, para kasing totoo, ramdam ko yung sakit, at alam kong hindi ko kakayanin yun.

In Bed With The Campus Gay (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon