EPILOGUE

8.1K 253 67
                                    

IN BED WITH THE CAMPUS GAY

EPILOGUE

Alas onse ng umaga,  hindi mainit o malamig ang panahon na kumpara noong nagdaang araw ay mataas na ang sikat ng araw sa mga oras na to. 

Mukhang nakikisama ang panahon sa kasiyahan ko.  Kasiyahang pinapangarap ng lahat ng kababaihan,  at ang swerte ko dahil andito na ako. 

"Kanina pa siguro kinakabahan si Cleo" sambit ni mommy na nasa tabi ko.  Mahina akong napatawa,  maski ako ay kinakabahan,  pero mas nananaig ang saya sa puso ko.

Tumingin ako sa labas ng kotse,  ilang minuto nalang ay dadating na kami sa simbahan,  at sisimulan na ang pag iisang dibdib naming dalawa. 

"Anlamig ng kamay mo" komento ni mommy nang hawakan niya ang kanang kamay ko.  Huminga ako ng malalim,  "Kinakabahan po ako eh" pag amin ko sakanya. 

Mahina itong tumawa at hinaplos ang kamay ko,  "Nako normal lang yan,  ganyan din ako noong ikinasal sa daddy ni Cleo"

Marahan akong tumango at hindi na nagsalita. 

Ano kaya ang itsura ni Cleo? Tiyak sobrang gwapo nun sa suot niya.  Hindi na ako makapaghintay na makita siya, simula kasi kahapon ay hindi ko siya nakita. 

I stayed at a hotel kasama ang mga kaibigan naming babae,  pamahiin din kasi na bawal magkita ang bride at groom bago ang kasal,  dahil baka hindi yun matuloy. 

Kahit  ayaw kong maniwala ay sumunod nalang ako,  panay tawag naman si Cleo kahapon eh.   Hindi mawala wala sa usapan namin ang kasal, kung gano kami kaexcited na makita ang isa't isa. 

Ilang minuto pa ay natanaw ko na ang simbahan, kita ko ang ganda ng decorations sa labas,  halo halong bulaklak,  pero nanaig ang sunflower na nirequest ko.  Ang ganda niya kasi sa mata, gustong gusto ko ang bulaklak na yun. 

Nang huminto ang bridal car ay napahinga ako ng malalim.  Ilang beses dahil di ko mapigilan ang kabog ng dibdib ko,  at nanlalamig din ang mga kamay ko.  Halo halo ang nararamdaman ko ngayon, pero syempre ay nangingibabaw parin ang kasiyahan. 

Nakita ko mula dito ang bridesmaids at mga pares nito, flower girls,  at ang anak ko na nasa tabi ni Misty,  siya ang ring bearer namin. 

Di ko maiwasang mapangite sa nakikita,  ang ganda at gwapo nila sa mga suot, kulay pastel ang gown ng mga babae,  habang ang mga lalaki ay kulay puting suit. 

Ang anak ko naman ay sobrang cute sa suot niyang white suit na pinaresan ng black shoes at black necktie.  Batang version lang ni Cleo eh. 

Nagsimula na silang pumila sa labas nang sumenyas ang isang organizer.  Hinanda na din namin ni mommy ang mga sarili namin sa pagbaba,  dahil sa mga oras na makapasok na sila ay ako na ang susunod. 

Hanggang sa nagsimula na silang pumasok sa loob, rinig ko mula dito ang tugtog sa loob ng simbahan. 

Nang flowergirls nalang ang natira sa labas ay bumaba na ako sa kotse,  inalalayan ako ng driver hanggang sa tumabi na sakin si mommy. 

Di ko mapigilang mapangite,  andami palang photographer na naghihintay sa labas,  lahat ng mga ito ay nakangite sakin. 

"Mama!" sambit ni Caine nang makalapit ako sakanya,  he hugged me na agad namang bumitaw,  "You're so beautiful po mama" aniya.

"Thank you anak" I said as I kissed his cheeks.  Pinabalik ko na siya sa pila nang magsimula nang maglakad papasok ang mga flower girls. 

Kita ko kung pano nila isaboy ang rose petals, nakangiting nakatingin sakanila ang mga tao lalo na noong maglakad na si Caine. 

In Bed With The Campus Gay (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon