IBWTCG Thirty-Two

4.4K 147 22
                                    

IN BED WITH THE CAMPUS GAY

CHAPTER 32

Pagkatapos naming magdinner ay nagpasya si Cleo na lumabas na muna, magpapahangin lang raw muna siya sa may garden, kung saan ay may pinagawa kaming benches at swing.

Hinayaan ko lang muna siya, alam kong mabigat parin ang loob niya nang makita ang picture namin kasama si Elo. Antanga ko naman kasi, ang alam ko ay nacheck ko yun kanina, hindi ko naman alam na may nakaligtaan akong isang picture eh.

Pagkatapos kong hugasan ang mga pinagkainan namin ay pumunta na ako sa living room. Doon ay naabutan ko si Caine na nakasandal sa dulo ng sofa, nakapikit na ito at halatang nakatulog mula sa panonood.

Naglakad ako palapit sakanya at kinuha ang remote para patayin ang TV. Pagkatapos kong gawin yun ay bumaling ako sa anak ko, gigisingin ko ba siya o bubuhatin nalang?

Nagsquat ako sa harap niya para magpantay ang mukha namin. Malalim na ang tulog nito, parang nakakakonsensiya naman kung gisingin ko pa.

Binigyan ko siya ng halik sa noo bago ito kinarga. Napapaliyad ako ng konte dahil mabigat na siya, hindi na talaga baby tong Caine ko. Baka paggising ko nalang isang araw, binata na to.

Pagkarating namin sa kwarto ng anak ko ay inihiga ko ito agad sa kama. Nakapameywang ako at nagpakawala ng malalim na hininga, lumalaki na talaga si Caine, parang kailan lang kasya pa siya sa bisig ko, ngayon tumatangkad na ito.

Hinalikan ko muna siya sa noo, magkabilang pisngi at sa ilong bago lumabas ng kwarto niya, pagkatapos ng ilang taon, siguro hindi na to magpapahalik sakin.

Napailing, at natawa nalang ako sa sarili ko, ano ba naman tong pinag iisip ko, bat nababahala ako sa paglaki ng anak ko? Hay nako.

Pagkababa ko sa living room ay ramdam ko ang katahimikan, anlaki ba naman ng bahay na to tas tatlo lang kaming andito, minsan pa dalawa lang kami ni Caine.

Dahil hindi pa naman ako inaantok ay pumunta ako sa kusina at nagtempla ng kape, masarap siguro ang hangin sa garden, kaya pupuntahan ko na muna si Cleo.

Naglakad ako palabas dala ang dalawang tasang kape, di ko maiwasang mapangite habang tinitingnan ang kabuuan ng itsura ng labas ng bahay namin, parang hanggang ngayon ay di parin nagsisink in sakin na dito na ako nakatira sa pangarap na bahay ko.

Parang panaginip lang talaga ang lahat.

Sa kaliwang bahagi ng bahay ay nandoon ang garden, nakita ko naman agad si Cleo na nakaupo sa isa sa mga bench, nakatingin lang ito sa malayo at mukhang malalim ang iniisip.

Lumapit ako sakanya at inilahad ang isang tasang kape, gulat itong lumingon sakin at tinanggap ang kape. "Salamat, anong ginagawa mo dito?" tanong nito.

Imbes na sumagot ay naupo ako sa tabi niya, ibinaling ko ang paningin sa mga roses na nakatanim dito, ramdam ko naman ang pagtingin nito sakin. "Sorry--" usal ko at tiningnan siya.

Napamaang ito at mukhang nagtataka kung ano ang ibig kong sabihin, huminga ako ng malalim, "Sorry sa nakita mo kanina, di ko napansin na andoon pa pala yun" tukoy ko sa nakita niyang picture namin ni Elo.

Umiwas ito ng tingin at ngumite ng mapait. Nagbaba ako ng tingin, bakas parin ang lungkot sa mukha niya, talagang apektado siya dahil doon.

Normal lang naman ata na ganito ang reaksyon niya, pero anong magagawa ko? Naging parte si Elo ng buhay naming mag ina sa loob ng mahabang panahon. Pero ewan, bat parang ayokong nakikita siyang nagkakaganito? Ayokong nakikita siyang malungkot dahil sa past namin ni Elo.

Haay. Siguro nga mahal ko parin talaga siya, kasi kahit anong tanggi ko, alam kong sa puso ko ay hindi siya nawala, at concern parin ako sakanya.

Dahil kung hindi ko siya mahal, eh bakit parang hindi ko na naiisip ang nangyari samin ni Elo? Bakit parating si Cleo nalang ang nasa isip ko?

In Bed With The Campus Gay (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon