Ikatlong Kabanata

1 0 0
                                    

Ikatlong Kabanata: Ang Pagiinbestiga

Third Chapter: The Investigation

※※※※※

Ikalima ng Disyembre, Miyerkules

Mabilis na nabalitaan ng Amethyst na nagpakamatay si Vera. Si Vera ay kilala sa pagiging updated niya sa balita sa ibang bansa, sa bansa at sa kanilang bayan.

"Blue Whale Challenge?" Pagtataka ni Jessica

"Totoo ba yung narinig ko?" Tanong ni Inho

"Blue Whale Challenge ang pinakadelikadong laro sa buong mundo at marami na ang nagsuicide dahil dito" Dagdag pa ni Inho na ikinagulat pa ng mga kaklase niya

"Paano naman niya napasok yung site?" Seryosong tanong ni Chelsea

"Papasukin mo rin ba bebe ko?" Tanong ni Cédric

Inirapan lang ni Chelsea si Cédric at hinihintay na sumagot si Inho.

"Hindi ko alam kung paano niya napasok ang site" Tugon ni Inho

"Kilala natin si Vera bilang updated na estudyante. Baka may nabasa siya about doon then pinasok niya yung site na iyun" Sambit ni Sharon

Habang naguusap-usap sila tungkol sa nangyari kay Vera, nagguguhit naman si Arman sa isang malinis na papel. Giniguhit niya ang isang babae na nakabigti habang ang paa ng upuan ay putol. Hindi alam ni Arman kung anong gonihuhit niya basta kung ano ang napaginipan niya ay iguguhit niya.

※※※※※

Tuwang-tuwa si Ruby nang matanggap niya ang pera na bigay sa kanya ng isang Russian.

"Makakauwi na rin ako" Tuwang-tuwa na sigaw ni Ruby na sinasabayan niya ng pagtalon

"Makakaalis na rin ako sa kamay ng Russian na iyun" Dagdag pa niya

※※※※※

Nababahala ang adviser ng Amethyst sa sunod-sunod na pagkamatay ng kanyang mga estudyante. Una ay si Lithium at sumunod si Vera kaya napagpasyahan niya na bendisyunan ang bawat estudyante upang wala ng sumunod kanila Vera at Lithium.

※※※※※

Nasa canteen sina Amber, Chelsea at Regine. Sina Amber at Regine ay kumakain ng paborito nilang french fries samantalang kumakain naman si Chelsea ng potato chips. Napansin ni Amber na maraming nagbago kay Chelsea simula nang makita niyang hawak ni Vera ang kamay ni Cyan.

"Potato Chips? Ang mahal niyan ah" Maarteng sinabi ni Regine

Hindi sumagot si Chelsea.

"Chelsea?" Napansin ni Amber na pinagpapawisan siya at nanginginig ang kanyang mga kamay habang kumakain ng potato chip

"May nangyari ba kay Chelsea?" Bulong ni Amber sa sarili niya

Nakita ni Cédric na tulala at pinagpapawisan si Chelsea sa upuan kaya nilapitan niya ito at pinunasan ang pawis na tumutulo sa kanyang ulo.

Catch Me If You CanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon