Ikalawang Kabanata

0 0 0
                                    

Ikalawang Kabanata: Kasinglalim ng Karagatan

Second Chapter: As Deep as an Ocean

※※※※※

Ika-apat ng Disyembre, Martes

Nagulat ang ilan sa mga kaklase ni Vera nang makita siya na may pasa at band-aid ang ulo ni Vera.

"Anong nangyari sa iyo Vera?" Nag-aalalang tanong ng kaibigan niyang si Jessica

"Napagtripan ka ba sa labas kagabi?" Biro ni Bulldog na ikinainis ng mga kaklase niya

"Huwag ka ngang magsalita kung hindi naman makakatulong iyan sa kanya" Saway ni Regine kay Bulldog

"Galit ka na niyan?" Biro pa rin ni Bulldog

"Huwag mo ngang ginaganyan yang kambal ko. Baka gusto mong ako ang makaharap mo" Galit na galit na sinigaw ni Cédric habang hawak-hawak niya ang kamay ni Chelsea

Napansin ni France na hawak-hawak ni Cédric si Chelsea

"Kayo na pre?" Tanong ni France

Nagtinginan sila Céd at Chelsea at tumawa ng malakas.

"May something" Sambit ni Inho

Umupo si Vera sa kanyang upuan at kinausap ang katabi niyang si Kimberly

"Kim, pwede ba kitang mapagsabihan ng sikreto?"

"Syempre, hindi. Alam mo namang madaldal ako diba?" Sambit ni Kimberly

Sunod namang nilapitan ni Vera ang napakatahimik na si Cyan.

"Cyan, pwede ba kita mapagsabihan ng sikreto?"

"Sige. Ano ba yun?" Nakangiting umoo si Cyan at ikwenento nga ang nangyari.

At ikwenento nga ito ni Vera

•FLASHBACK•

Apatnapu't siyam na araw ang nakakaraan.

Mayroong nabasa si Vera na isang page ang nagbibigay ng challenge sa loob ng limangpung araw. Dahil nga curious siya, sinubukan niyang pumasok sa page.

Sa unang challenge ay mahirap na ang kanyang pinagdaanan. At lalong madugo ang challenge habang lumalapit ang ikalimangpung araw. Hindi niya alam ang pinasok niyang site. Nagsisi siya ng nakatatlumpung challenge na siya. At doon niya nalaman ang site na nagbibigay ng mga challenge ay tinatawag na Blue Whale Challenge. At lalo niyang ikinabahala na pagdating sa huling challenge ay magpapakamatay siya.

•END OF FLASHBACK•

Napayuko ang ulo ni Cyan at binulungan si Vera.

"Huwag mong gawin ang last challenge kahit na may nakabantay sa iyo. Akong bahala"

Ngumiti si Vera at nagpasalamat kay Cyan. Nakita naman ni Chelsea na hinawakan ni Vera ang kamay ni Cyan. Tiningnan ng masama ni Chelsea si Vera na napansin naman ni Cyan.

※※※※※

Mabilis na kumain ng french fries si Chelsea. Napansin iyun nina Amber at Regine.

"Galit ka ba?" Mahinahon na tanong ni Amber kay Chelsea

Hindi umimik si Chelsea. Iniisip niya ang nasaksihan niya kanina.

"Nakakainis si Vera, hinahawakan niya yung kamay ni Cyan" Naiinis na sinabi ni Chelsea

"May gusto ka sa kanya?" Tanong ni Regine

"Wala ah" Pagtanggi agad ni Chelsea

"Bakit parang nagseselos ka?" Tanong ni Amber

"Hindi ako nagseselos. Pero grabe naman yung paghawak niya sa kamay ni Cyan. Hindi kaya mahilig si Cyan na hinahawakan ang kamay niya" Sagot ni Chelsea

"Mukhang kilala nyo ang isa't isa ah" Sambit ni Amber

"Syempre mas kilalang-kilala nila Chelsea at Cédric ang isa't isa" sambit naman ni Regine

Nakita ni Chelsea si France na bumibili ng hamburger.

"France, pwede ba kitang makausap?"

※※※※※

8:45 ng gabi, Ikaapat ng Disyembre

Kinakabahan at pinagpapawisan si Vera habang hinahawakan ang video cam. Nasa isang tagong abandonadong bahay si Vera. Mayroon ding lubid na nakasabit sa kisame. Sinimulan niya na buksan ang video cam at tumungtong sa matibay na upuan. Ipinasok niya ang ulo niya sa lubid. Halatang pinagpapawisan siya sa gagawin niya hanggang sa bumagsak ang kahoy na nasa kisame dahilan para mawalaan siya ng malay.

Dumating si Cyan sa abandonadong bahay na nasa likod lang ng Kyanite Theater. Pero hindi niya doon nakita si Vera. Ang natagpuan niya lang ay kahoy na putol at inaanay, upuan na nanatili pa ring nakatayo at ang naiwang video cam.

※※※※※

Nagising si Vera sa ingay na narinig niya. Nakatali ang kanyang mga kamay at paa habang nakatungtong sa upuan. Ang ulo rin niya ay nakapasok sa lubid. Huminga ng malalim si Vera at muntikan nang magpanik. Hanggang sa nakarinig siya ng mga yapak ng paa na lalong ikinakaba niya.  Sumigaw siya nang malakas upang humingi ng tulong pero kahit anong sigaw niya ay wala pa ring dumadating para tulungan siya. Tumulo na ang luha ni Vera at nagsimula ng umiyak sa sobrang takot na mamatay siya. Sinubukan niyang tanggalin ang nakataling lubid sa kamay niya pero sa bawat paggalaw ng kamay niya ay ang pag-uga ng upuan. Ang lubid na nakatali sa kamay niya ay nakakonekta sa dalawang paa ng upuan. Kaya naman nagdahan-dahan siya na tanggalin ang lubid na nakatali sa kamay niya. Pero hindi siya nagtagumpay sa plano niya. Nabigla siya at kinabahan nang dumating ang nakabihis lalaki at nakasuot ng maskara. Sa una ay mahinahong nagmamakaawa siya na pakawalan siya hanggang sa napasigaw nalang siya ng malakas nang ilabas niya ang chainsaw na hawak niya.

Naglakad nang dahan-dahan ang misteryosong lalaki at pinaandar muli ang chainsaw. Pinutol niya ang mga paa ng upuan hanggang sa nasira ang upuan at nawalan na ng pag-asa si Vera na maligtas ang sarili niya.

"Mapagkakamalan kang nagpakamatay dahil sa last challenge sa iyo. Paalam Vera" Ang nakakalokong sinabi ng misteryosong lalaki habang pinagmamasdang nakabitay si Vera.

※※※※※

Natuwa naman ang challenge maker na nadagdagan ang suicide rate ng kanilang bansa.

"Send those money to Ruby" utos niya sa assistant niya

Ruby, kasingkulay ng lipstick, madalas ay dugo. Ano ang magiging papel niya sa istoryang ito? Kilalanin natin siya sa susunod na kabanata

•New Updates Every Weekends•

Maraming Salamat sa pagbasa ng Catch Me If You Can.

Kilala nyo na ba kung sino ang killer? (??_??)?

Catch Me If You CanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon