Unang Kabanata

8 0 0
                                    

Unang Kabanata: Hulihin Mo Ako Kung Kaya Mo


First Chapter: Catch Me If You Can

※※※※※

Ikatlo ng Disyembre, Lunes

Malamig na simoy ng hangin agad ang nararamdaman ng mga estudyanteng naglalakad papunta sa kanilang unubersidad. Karamihan sa kanila ay nakasuot ng mga kasuotang makakapal. Habang naglalakad ang mga estudyante ay bigla naman na paglitaw ng tumatakbong sina Chelsea, Amber at Regine. Silang tatlo ang pinakasikat na magkakaibigan sa buong unibersidad. Si Chelsea na SSG President at si Regine na SSG Vice President. Sila ay nagpapatupad ng mga ordinansa na makakatulong sa unibersidad.

Ngunit wala silang kaalam-alam na babalik ang kanilang kinatatakutang pangyayari sa unibersidad. Pagkarating nila sa unibersidad ay sinalubong sila ng nagkakagulo, nagsisigawan at nagsisitakbuhang mga estudyante. Hindi alam ng ibang estudyante kung anong gagawin nila. Pinabayaan lang ito nila Chelsea, Amber at Regine at dumiretsyo na pumunta sa classroom nila.

※※※※※

Pagbungad palang nila Chelsea, Amber at Regine sa pintuan ng kanilang classroom ay makikita ang sulat na nakadikit sa pintuan.

Magandang Umaga Amethyst,
Gusto ko lang sabihin na maari kayong pumunta sa Museum upang matunghayan ang pinakamagandang araw ng buhay nyo. Huwag nyong tanggalin ito kung ayaw nyong may mawala sa inyo -ZL"

Habang binabasa ito ni Amber ay nakaramdam agad siya ng kaba. Hindi niya maipaliwanag kung bakit ang bilis ng tibok ng puso niya.

"So, anong ginagawa ng mga estudyante kanina? Nagkakagulo lang? Imposible ang iniisip natin tungkol sa sulat na ito" Lakas-loob na sinabi ni Chelsea

※※※※※

Sa sobrang laki ng kanilang unibersidad ay may makikita kang naglalakihang mga gusali. Gusali para sa mga estudyante. Gusali para sa Canteen na tinatawag din nilang Cafeteria. Ang Auditorium kung saan nagtatanghal ang mga estudyante at ang Museum kung saan matatagpuan ang mga antigong bagay, mga antigong kagamitan, mga mineral at marami pang iba. Kaya nakonsensya agad ang Principal nang malaman na may mga bakas ng dugo sa harapan ng isang kagamitan sa pagtotorture na kilala sa katawagang Iron Maiden. Huminga ng malalim ang Principal at nang buksan ang kagamitan ay biglang bumagsak ang kawawang katawan ng estudyante. Punong-puno ng dugo ang uniporme ng estudyante. Halata rin ang mga butas sa iba't ibang bahagi ng kanyang katawan.

Ang pinagtataka ng Principal, paano siya napunta sa loob ng torturing device kahit na binabantayan ito ng mabuti ng mga guwardiya sa labas.

Kararating lang nila France, Cyan, Jason, Arman at Inho at natagpuan nila na nakadapa at punong-puno ng dugo ang kanilang kaklaseng si Lithium Sanderns. Si Lithium ang pinakamagaling sa paglalaro ng mga pampalakasan sa unibersidad. Siya rin ay isa sa mga magagaling sa pagsagot ng mga problem solving sa Sipnayan. Mabilis na nagsitakbuhan ang mga estudyante nang marinig nila ang bell. Pero nananatili paring tinititigan ni Arman ang bangkay ni Lithium at nakita ang kahina-hinalang bagay. Nakaukit na ZL ang kanyang nakita sa braso ni Lithium.

※※※※※

Hindi dumating ang adviser ng Amethyst sa classroom nila kaya nagsimula ulit na mag-ingay sila. Karamihan sa kanila ay pinag-uusapan ang nangyari kay Lithium. Ang iba naman ay nagtatiyaga sa free data upang madagdagan ang kaalaman nila sa kagamitang nakapatay kay Lithium. Bigoang tumahimik ang lahat nang isa-isa silang nakatanggap ng message na may mensaheng "Catch Me If You Can" . Marami sa kanila ay kinilabutan sa mensahe pero hindi nagpaapekto si Red, ni-replyan niya ang mystery sender ng "Pagnahuli kita, ipapakulong kita"

Catch Me If You CanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon