Ikapitong Kabanata

2 0 0
                                    

Ikapitong Kabanata: Oro Plata  Mata (Ikalawang Bahagi)

Seventh Chapter: Gold Silver Death (Second Part)

※※※※※

Ikalabingisa ng Disyembre, Martes

Malungkot ang mga kaklase ni Leslie dahil hindi nila mapapakinggan na tumula si Leslie. Ang makakapanood lang sa kanila ay ang Best in Filipino at SSG President na si Chelsea at ang SSG Vice President na si Regine.

"Go Leslie! Kaya mo 'yan!" Pagchicheer ng mga bestfriends niyang sila Princess Luna at Greta

Dumating din ang Journalism Head at tinawag ang mga kabilang sa journalism club. Sila Amber, Inho at Arman.

"Yes, makakapanood kami" Tumatalon sa saya si Amber

"Bestfriend goals silang tatlo" Sambit ni Arman. Sabay-sabay namang tumawa sila Amber, Chelsea at Regine.

Umalis na ang mga journalism club, SSG President, SSG Vice President at si Leslie. Pagkatapos lumabas sa kwarto ay nakinig na ang mga estudyante sa itinuturo ng guro.

※※※※※

Pumasok na sa back stage si Leslie. Nasa auditorium ang stage. Sa likod ng stage ay mayroong labingdalawang kwarto. Si Leslie ay pumasok sa unang kwarto.

Pagpasok niya ay bumungad sa kanya ang isang regalo. Napalunok siya ng kanyang lawak. Pinagpapawisan na siya at kinakabahan nang binubuksan ang regalo hanggang sa nakita ang isang energy drink na may isang sulat.

Inumin mo ito pagkatapos ng kompetisyon para marelax ka. Tatlo lang kayo na maglalaban. Good Luck!

Sinunod naman ito ni Leslie. Hinahanda na niya ang sarili niya para mamaya.

※※※※※

Nagsimula ang kompetisyon, saktong alas-nuebe ng umaga. Maraming estudyante ang handang mapakinggan na tumutula ang mga manlalahok.

Isang babaeng estudyante ang tinatakpan ang mukha gamit ang dyaryo at bumubulong.

"Tatlo kayong maglalaban, may probability na 33% para makuha mo ang first place. Good Luck Leslie"

Tinawag na ng Filipino Head ang mga tutula.

"Si Krystal Lanes mula sa pangkat siyam, baitang Argon"

Sa panimula pa lang ng tula niya ay nakakaagaw agad ng atensyon. Nagpapalakpakan ang mga estudyante at mga guro sa tula ni Krystal. Kinukunan ng video ng ilang estudyante si Krystal. Si Krystal ay napakagaling sa pagbuo ng tula. Mahilig din siya sa pagkanta lalo na sa mga opera songs.

Natapos ang tula ni Krystal at lahat ng nasa auditorium ay nagpapalakpakan.

"Pakinggan naman natin si Cuprum Sanderns mula sa pangkat pito, baitang Aristotle" pagpapakilala ng Filipino Head Teacher

Nagsimula agad na tumula si Cuprum. Marami ang nagbubulungan tungkol sa tinutula ni Cuprum

"Siya yung kapatid ni Lithium diba?" Pabulong ni Arman

"Oo. Ang gwapo talaga ng mga Sanderns" Kinikilig na sinabi ni Amber

"Sumbong kita kay Romeo. Sabi mo, mas gwapo si Cuprum kaysa sa kanya" Biro ni Inho sabay nakatanggap ng pagbatok sa ulo mula kay Amber

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 24, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Catch Me If You CanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon