Prologue
Zionne Davies Brosque. Pangalan na pinagpapantasyahan ng lahat kababaihan sa school namin. Pati ng mga nerd nga eh at teachers nabihag sa kagwapohan niya. Bakit? Kasi he is next in line with the word 'perfection'. I may sound OA pero yun talaga ang madedescribe mo sa kanya. Nasa kanya na ang lahat. Gwapo, mga singkit niyang mga mata, matangos na ilong, kissable lips at lalong lao na sa lahat ang perfect shape ng kanyang mukha. Parang hindi ka makakapaniwala na nag-eexist pala ang isang katulad niya. Mayaman din siya, napakasikat kasi ng business nila sa buong mundo. Oo, hindi lang nationwide kundi worldwide din. Matalino siya consistent top 1 sa buong school. Talented din noh, knows how to sing and play some instruments and pinagpala talaga sa height. San ka pa diba? Mapapakanta ka talaga ng 'Na sayo na ang lahat'.
Kaya nga lang napaka Arrogante. Yung taong di naman cold, ayaw lang talaga pumansin sa mga hindi niya kalevel. Kasama kasi siya sa head turners ng school. Kung tawagin ng iba campus royalties ganern.
Eh hindi naman ako katulad niya. Kaya hindi niya talaga ako napapansin. Isa kasi akong babaeng normal lang. Simple kumbaga. Yung walang kaarte-arte sa katawan. Ewan ko ba basta ganun talaga ako.
Sino nga ba ako? Ako lang naman si Mitch Grashe Dy. Hmmm kailangan pa ba idescribe yung sarili ko? Well, isa lang naman ang dinidescribe sakin ng lahat. Isang average girl. Hindi naman ako maganda, yung average lang. Pero hindi din head turner. Hindi naman ako matangkad, yung average lang yung height. Hindi naman matangos yung ilong ko, yung tama lang sa mukha ko. Hindi naman kissable yung lips ko yung tama lang. Hindi naman kami mayaman, makakain ng tatlong beses sa isang araw yun na yun. At lalong lalo na sa lahat hindi naman ako matalino, yung sakto lang talaga na makakapasa every school year. Ewan ko ba ka babae kong tao hindi ako nacoconscious sa grades ko. Sa totoo lang nasa top 582 ako sa buong school. Hindi kasi uso yung studies sakin eh. Hindi ko naman yan madadala pagnamatay ako. Basta makapagtapos lang ako ng pag-aral at makahanap ng trabaho, yun na yun. Ang rami pang arte. Eh numbers lang din naman yung ginagawang grades. Pero Ginagawa ko parin naman ang lahat na di makapasa kasi pinaghirapan ni Mama to na makapasok ako sa isang napakasosyal at tanyag na Private School.
Pero kahit average girl lang ako, syempre mahal ko parin sarili ko. At nangangarap na mapapansin ng crush ko.
Sino yung crush ko? Walang iba kundi yung pinagpapantasyahan ng lahat, yung prince charming ng buhay ko. Si Zionne. Schoolmate ko na kasi siya since Grade 1. At minsanan niya na din akong pinagtanggol. Ewan ko ba naalala pa ba niya yun. Kaya ngayong nasa last year na kami ng senior high, gagawin ko ang lahat para mapansin niya ako. Sana nga lang mapansin niya ang isang tulad ko.
Isang Mitchie Grashe Dy na hindi kalevel ng isang Zionne Davies Brosque. Mapapansin kaya? Or Hanggang pangarap na lang ba?
---
Abangan!